Search a Movie

Saturday, January 23, 2016

Miss Congeniality (2000)

6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆

Starring: Sandra Bullock, Benjamin Bratt, Michael Caine
Genre: Action, Comedy, Crime
Runtime: 109 minutes

Director: Donald Petrie
Writer: Marc Lawrence, Katie Ford, Caryn Lucas
Production: Castle Rock Entertainment, Village Roadshow
Pictures, NPV Entertainment, Fortis Films
Country: USA

Nahaharap ngayon sa isang matinding pagsubok si Gracie Hart (Sandra Bullock), isang FBI Special Agent matapos siyang mapili na maging isang undercover sa kaganapang malayung-malayo sa kaniyang ugali - ang Miss United States beauty pageant.

Matapos makatanggap ang mga awtoridad ng isang bomb threat sa nasabing patimpalak mula sa teroristang nagngangalang "The Citizen" ay agad umaksyon ang FBI. Ang plano ay nanggaling mismo kay Agent Hart, ngunit hindi niya inaakala na siya mismo ang pipiliin ni Special Agent Eric Matthews (Benjamin Bratt) na maging undercover. Kaya ngayon, ang babaeng walang kaarte-arte sa katawan at tila lalaki kung kumilos ay magiging Gracie Lou Freebush ng New Jersey, sa tulong ng beauty pageant coach na si Victor Melling (Michael Caine).

Minsan ay exaggerated ang pagganap ni Bullock bilang tomboy at ang pelikula ay halos naka-kapit lang sa slapstick humor pero masasabi kong nawili ako sa panonood nito kahit na wala itong ganoong pasabog at kinulang ng aksyon na isa sa pangunahing genre ng pelikula.

Isa siguro ang Miss Congeniality sa mga palabas na magiging guilty pleasure ng karamihan dahil sa pagiging mababaw nito at nakapagbibigay ng saya kahit papaano. At kung ako ang tatanungin kung papanoorin ko ba ang sequel nito, siyempre dahil nabitin ako sa love angle ng kuwento basta ba't ayusin lang nila ang pagkukulang nila sa naunang pelikula.

No comments:

Post a Comment