Search a Movie

Friday, January 29, 2016

The Omen (2006)

5 out of 10 stars
★★★★★☆☆☆☆☆

Starring: Liev Schreiber, Seamus 
Davey-Fitzpatrick, Julia Stiles
Genre: Horror, Mystery, Thriller
Runtime: 110 minutes

Director: John Moore
Writer: David Seltzer
Production: 20th Century Fox
Country: USA

Nagsimula ang pelikula kasama ang mga nakaka-intrigang karakter. Dahil hindi ko alam kung saan papatungo ang kuwento (hindi ako nanood ng trailer at nagbabasa lang ng IMDb pagkatapos ng pelikula) ay misteryoso ang naging simula ng palabas para sa akin. 

Isang masamang balita ang bungad ng pelikula kung saan ang anak ni Robert Thorn (Liev Schreiber) ay hindi nakaligtas mula sa delivery ng kaniyang asawang si Katherine Thorn (Julia Stiles). Dahil dito, sa tulong ng mungkahi ng isang pari, ay inampon ni Robert ang isang ulilang sanggol, pianangalanan niya ito ng Damien (Seamus Davey-Fitzpatrick) at pinalabas na ito ang anak nila ni Katherine.

Lumipas ang limang taon at puro magagandang kaganapan ang nangyari sa buhay ni Robert, siya ang pumalit sa dating puwesto ng pumanaw na Ambassador ng Court of St. James na namatay sa hindi pangkaraniwang aksidente. Simula nang ma-promote ay nagkaroon na ng hindi maipaliwanag na mga aksidente sa mga taong nasa paligid ni Robert, isa na rito ang biglaang pagpapatiwakal ng tagapangalaga ni Damien sa mismong kaarawan ng bata.

Ang lahat ng ito ay ipinaliwanag ni Father Brennan (Pete Postlethwaite) kay Robert nang minsang lapitan siya nito. Ayon sa pari, ang itinuturing niyang anak na si Damien ay anak ng demonyo at kinakailangan niya itong patayin hangga't maaga pa kung hindi ay buhay nila ng asawa niya ang malalagay sa panganib. Hindi naniwala si Robert noong una ngunit nang magpakita si Damien ng kakaibang ugali na iba sa mga normal na bata ay nagdalawang-isip ito kung ang mga sinabi sa kaniya ni Father Brennan ay may katotohanan nga ba.

Katulad ng naunang sinabi ko, nakaka-intriga ang simula ng pelikula lalo na nung dumating ang iba't-ibang misteryosong mga karakter dahil hindi mo alam kung ano ang magiging role nila sa palabas. Ngunit nang nagtagal ay bumagal ang usad ng kuwento at ang mga pangyayari ay tila nag-ala Final Destination (sa pagkamatay ng mga karakter). Naalala ko rin ang The Shining dahil kay Damien, ang ilang eksena kasama ang bata ay mayroong vibe ng nasabing classic horror film.

Wala akong naramdamang takot sa panonood ng pelikula. Makyu-curious ka lang sa simula ngunit mawawala rin ito sa kalagitnaan ng pelikula. Hindi ka rin nito mabibigyan ng magandang climax at ganun din sa ending.

No comments:

Post a Comment