6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆
Starring: Pierre Coffin, Sandra Bullock, Jon Hamm
Genre: Animation, Comedy, Family
Runtime: 91 minutes
Director: Kyle Balda, Pierre Coffin
Writer: Brian Lynch
Production: Illumination Entertainment
Country: USA
Una silang nakilala bilang makukulit na alalay ni Gru, ngayon ay sila na mismo ang bida sa Minions, ang prequel ng sikat na Despicable Me kung saan tatalakayin nito ang naging buhay ng mga minions bago sila napunta sa pangangalaga ni Gru.
Isang solong pelikula para sa mga minions ang matagal nang pinapangarap ng mga fans. Maging ako ay naisip ko na rin na magiging riot kung nagkataong magkaroon ng sariling palabas ang mga maliliit na kulay dilaw na nilalang na ito, at nagkatotoo nga. Mataas ang naging ekspektasyon ko sa pelikulang ito dahila una: minions ang nagdala sa Despicable Me 2 at pangalawa: minions sila, aasa ka talaga na purong katatawanan ang dulot nila dahil napatunayan na nila ito sa unang dalawang pelikula.