8 out of 10 stars
★★★★★★★★☆☆
Starring: Robert Kerman, Francesca Ciardi, Perry Pirkanen
Genre: Adventure, Horror
Production: 95 minutes
Director: Ruggero Deodato
Writer: Gianfranco Clerici
Production: F.D. Cinematografica
Country: Italy
Isa na siguro ang Cannibal Holocaust sa pinaka-kontrobersyal na pelikula sa buong mundo. Ilang bansa ang tumanggi sa pagpapalabas nito ngunit aminin man natin o hindi ay malaki ang naiambag ng palabas na ito sa industriya ng pelikula. Ito ang nagpasimuno sa found-footage na paraan ng paggawa ng pelikula at dahilan sa pag-usbong ng mga palabas na may cannibalism na genre.
Ang kuwento ay tungkol sa apat na film crew na nawala matapos magpunta sa Amazon upang gumawa ng dokyumentaryo ukol sa mga cannibal tribes. Magsisimula ang palabas sa isang rescue mission na pangungunahan ng New York University anthropologist na si Professor Harold Monroe (Robert Kerman). Ang pakikipagsapalaran na ito ni Professor Monroe sa kagubatan ng Amazon ang siyang magbibigay liwanag sa kung papaano ang pamumuhay ng mga tribong malayo sa kabihasnan.