5 out of 10 stars
★★★★★☆☆☆☆☆
Starring: Mila Kunis, Channing Tatum
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 127 minutes
Director: Andy Wachowski, Lana Wachowski
Writer: Andy Wachowski, Lana Wachowski
Production: Village Roadshow Pictures, Warner Bros., Dune Entertainment
Country: USA, Australia
Si Jupiter Jones (Mila Kunis) ay isang dalaga na ang hanap-buhay ay ang maglinis ng mga tahanan ng mayayaman kasama ang kaniyang ina at tiyahin. Ang buhay niyang ito ay biglang nabago nang atakihin siya ng mga nilalang na para sa mga tao ay dating kathang-isip lamang... mga alien na galing sa ibang planeta.
Ang mga alien na ito ay ipinadala ni Balem Abrasax (Eddie Redmayne), isa sa tatlong magkakapatid mula sa House of Abrasax - ang pinaka makapangyarihang alien dynasty sa buong universe, upang patayin si Jupiter na pinaniniwalaang reincarnation ng kanilang namayapang ina. Ngunit hindi natupad ang plano nilang pagpaslang dahil sa pagpasok ni Caine Wise (Channing Tatum) isang galaxy soldier na ipinadala naman ni Titus Abrasax (Douglas Booth) para sa sarili niyang plano para kay Jupiter.