5 out of 10 stars
★★★★★☆☆☆☆☆
Starring: Siegfried Peters, Stephen Michael Joseph, Yatoya Toy
Genre: Documentary
Runtime: 91 minutes
Director: Rodney Ascher
Production: Zipper Bros Films, Campfire
Country: USA
Pagtulog ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay, ito ang kailangan natin upang makapagpatuloy sa araw-araw nating gawain ngunit minsan ang bagay na ito na siyang paboritong gawin ng karamihan ay may mga pagkakataon na may nagaganap na hindi pangkaraniwan, isa na dito ang tinatawag sleep paralysis o ang pansamantalang pagkawala natin ng kontrol sa ating katawan tuwing tayo'y natutulog o magising mula sa pagkakatulog. Ito ang paksa ng dokyumentarong The Nightmare kung saan walong tao na dumanas o kasalukyang dumaranas sa sleep paralysis ang magpapahayag ng kanilang kuwento.
Sa bawat karanasan ng mga taong nasa pelikula ay binigyan ito ni Ascher ng re-enactment at ito ang nagbigay buhay sa kaniyang dokyumentaryo. Kung tutuusin ay maaari itong ihilera sa mga pelikulang inima-marathon tuwing Halloween dahil maganda at maayos ang pagsasabuhay ng mga kuwento sa palabas. Magbibigay ito ng takot sa mga manonood at para ka na ring nanonood ng isang horror na palabas. Ang problema nga lang, mahirap paniwalaan ang ilan sa mga kuwento at bukod doon bawat tao sa palabas ay may kaniya-kaniyang paniniwala at opinyon na ayos lang naman kung nagbigay lang sana sila ng kaliwanagan sa huli, ang problema ay hindi.
Bilang isang dokyumentaryo, layunin dapat nito ang magbigay ng kaalaman sa manonood ngunit wala silang ibinigay na impormasyon kung tungkol saan o ano ba ang sleep paralysis. Walong estranghero na nagbahagi ng kuwento ukol sa paksa at ilang pagbibigay-buhay, ito lang ang laman ng The Nightmare. Matatakot ka at mapapaisip ngunit hanggang doon na lang ito hanggang sa matapos at hindi natin masisisi kung bored na ang nanonood bago pa man ito matapos.
No comments:
Post a Comment