Search a Movie

Thursday, October 29, 2015

Stand by Me Doraemon (2014)

6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆

Starring: Wasabi Mizuta, Megumi Ōhara, Yumi Kakazu
Genre: Animation, Comedy, Drama
Runtime: 95 minutes

Director: Takashi Yamazaki, Ryūichi Yagi, Tony Oliver
Writer: Takashi Yamazaki, Fujiko F. Fujio (manga)
Production: Shirogumi, Robot Communications, Shin-Ei Animation
Country: Japan

Dahil sa hirap at pagiging baon sa utang, mula sa hinaharap ay bumalik si Sewashi (Sachi Matsumoto), ang apo sa talampakan ni Nobita Nobi (Megumi Ōhara) kasama ang robot nitong si Doraemon (Wasabi Mizuta) sa taong 2004 kung saan bata pa lang si Nobita upang subukang palitan ang kapalaran nito. Ang naisip ni Sewashi na sagot sa dinaranas na problema ng kanilang pamilya sa 22nd century ay ang iwan ang robot nitong si Doraemon upang tulungan ang talunang buhay ni Nobita nang sa gayon ay maiwasan ang pagkakaroon nila ng malaking utang sa hinaharap. 

Kapag tuluyan nang napalitan ang hinaharap ni Nobita ay saka lang makakabalik si Doraemon sa tunay niyang amo. Naging magaan ang buhay ni Nobita simula nang dumating si Doraemon ngunit papaano na kapag dumating ang araw na babalik na si Doraemon sa mundong pinanggalingan niya? 

Ang pelikula ay binuo mula sa anim na maiikling kuwento ng Doraemon na pinagsama-sama upang maging isang buong istorya. Dahil 3D ay nakakamangha ang laki ng ipinagbago nito pagdating sa animation. Mas enjoy ang panonood dito dahil sa makulay at mas pinagandang mga karakter. Masarap sa mata lalo na kapag ika'y nasanay na sa anime series nito na napapanood dati sa GMA Network.

Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng napakagandang animation ay hindi ko gaanong nagustuhan ang tinakbo ng kuwento nito. Masyadong mabilis ang pangyayari at minsan ay nagiging inconsistent ito. Hindi man lang natanong ang existence ni Doraemon sa henerasyon ni Nobita. Nasobrahan din ito sa drama sa puntong sobrang corny na at napapapikit ka na lang sa pinapanood mo hanggang sa 'di ka na maapektuhan sa eksena.

Bilang isang classic anime, maganda parin itong panoorin. Nasobrahan man minsan sa emosyon ay pareho parin naman ang dulot nitong saya katulad ng panonood natin noon sa anime series nito. Nakaka-miss din namang balikan ang kuwento nila Shizuka, Damulag, Suneo, Nobita at ang pusang minahal ng lahat na si Doraemon.

No comments:

Post a Comment