Poster courtesy of Cinema Bravo © T-Rex Entertainment Productions |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Edgar Allan Guzman, Joross Gamboa
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 1 hour, 49 minutes
Director: Julius Alfonso
Writer: Eric Cabahug
Production: T-Rex Entertainment Productions
Country: Philippines
May taning na ang buhay ni John (Joross Gamboa) at ang tanging hiling nito bago siya tuluyang pumanaw ay ang masaksihan niya mismo ang kaniyang sariling burol. Sa tulong ng kaibigang si Mark (Edgar Allan Guzman) ay pepekehin nila ang kaniyang pagkamatay at magpapanggap siya bilang si Yolly upang makadalaw sa huwad nitong burol.
Sinubukang maging orihinal ng Deadma Walking gayunpaman ay mahirap talaga itong hindi ikumpara sa pelikulang Die Beautiful (2016) kung saan ang kuwento ay tungkol rin sa isang bading at sa kaniyang lamay na nagsisimula na yatang maging trend sa Metro Manila Film Festivals.
Nahirapan ang pelikulang pumili sa kung aling plot sila magfo-focus, sa pagkakaibigan ba nila John at Mark o sa mismong burol ni John. Hindi naging balanse ang istorya sa pagitan ng dalawa at ang mismong premise ng pelikula ay hindi nabigyang highlight dahil ang kuwento ni John at Mark ang ibinida dito.
Hindi ko nagustuhan ang bading-badingan na pag-arte ni Guzman. Halatadong umaarte lang ito gayunpaman ay magaling siya sa mga dramatic scenes. Kaya ka niyang paiyakin at makikita mong tagos sa puso ang kadramahang kaniyang ipinapakita. Si Gamboa ang nagbigay ng maayos na pag-arte bilang bading, malamya at hindi exaggerated.
Maganda ang konsepto ng Deadma Walking, sa kabila ng malungkot nitong istorya ay bibigyan ka ito ng katatawanan at ipapakita nito sa bawat manonood ang kahalagahan ng buhay at pagkakaibigan.

No comments:
Post a Comment