Poster courtesy of IMP Awards © Columbia Pictures |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: T.J. Miller, James Corden, Anna Faris
Genre: Animation, Adventure, Comedy, Family
Runtime: 1 hour, 26 minutes
Director: Tony Leondis
Writer: Tony Leondis, Eric Siegel, Mike White
Production: Columbia Pictures, LStar Capital, Sony Pictures Animation
Country: USA
Nagsimula sa buhay ng mga hayop, nasundan ng mga laruan, nagkaroon na rin ng sariling kuwento ang mga emosyon maging ang mga pagkain at video games, ngayon naman ay ipapasilip ng The Emoji Movie ang mundo ng mga... emoji.
Sa Textopolis, kung saan naninirahan ang mga emoji, nakatira si Gene na isang meh emoji. Ngunit hindi katulad ng iba niyang kauri ay may sari-saring emosyon si Gene. Kaya niyang magpakita ng iba't-ibang mukha base sa kung ano ang nararamdaman niya. Sa kanilang mundo ay "malfunction" ang tawag sa isang tulad niya. Dahil dito ay nagkaroon ng hindi inaasahang aksidente sa kaniyang unang araw ng trabaho nang hindi nito maipakita ang tamang ekspresyon na kinakailangan niyang ibigay.
Sa aksidenteng iyon nag-ugat ang dahilan kung bakit kinakailangan na siyang i-delete sa kanilang mundo upang hindi na lumala ang sitwasyon. Ngunit bago pa man ito mangyari, sa tulong ni Hi 5 (James Corden) na isang hi-five emoji, ay tatakas sila sa Textopolis upang hingin ang tulong ni Jailbreak (Anna Faris) upang alisin ang ibang emosyon ni Gene at tuluyan na siyang maging isang simpleng meh.
Masyadong naging trying hard ang kuwento ng The Emoji Movie sa puntong hindi na ito nakakapukaw ng atensyon. Sa simula'y mai-engganyo kang makita ang mga pamilyar na emojis ngunit sa paglaon ay mawawalan ka rin ng interes dahil sa hindi na bago nitong konsepto kung saan isang grupo ng mga bida ang lalabas sa mundong kanilang nakagisnan upang makipagsapalaran sa lugar kung saan nila mahahanap ang kanilang sarili at makabuo ng pag-ibig at pagkakaibigan.
Marami akong napansing loopholes sa kuwento ng palabas at isa na rito ang layo at distansya ng mga lugar na kanilang tinatahak na nagkandagulo-gulo pagdating sa climax nito. Maganda ang naging representasyon ng bawat mobile applications sa naturang palabas ngunit isa ito sa nagpagulo sa ilang mga tagpo.
Bawat kaganapan sa istorya ay napaka-cliche na kung kaya't wala nang bisa ang ginawang love angle sa pagitan nila Gene at Jailbreak at ang pagkakaibigang nabuo kina Gene at Hi 5. Hindi ko nakitaan ng chemistry ang tatlo dahil siguro alam ko na kung saan mauuwi ang lahat. Isa ang pelikulang ito sa patunay na hirap nang makabuo ng orihinal na konsepto ang mainstream creators. At nabanggit ko na ba kung gaanong nakakabuwisit ang karakter ni Hi 5?

paano boba panoorin
ReplyDelete