Search a Movie

Sunday, February 11, 2018

The Mummy (1999)

Poster courtesy of IMP Awards
© Universal Pictures
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Brendan Fraser, Rachel Weisz, John Hannah
Genre: Action, Adventure, Fantasy
Runtime: 2 hours, 4 minutes

Director: Stephen Sommers
Writer: Stephen Sommers, Lloyd Fonvielle (story), Kevin Jarre (story)
Production: Universal Pictures, Alphaville Films
Country: USA


Dahil sa isang mapa na ipinakita sa kaniya ng kaniyang kapatid ay biglang nagkaroon ng interes ang librarian na si Evelyn Carnahan (Rachel Weisz) na makita ang sinaunang lungsod ng Hamunaptra. Sa tulong ni Richard O'Connell (Brendan Fraser), ang taong pinanggalingan ng naturang mapa, na kasalukuyang nakakulong nang kanilang mahanap ay muli nitong babalikan ang bayan na kaniyang nadiskubre.

Ang hindi nila alam, isa pang grupo ng mga mananaliksik ang nagnanais na makita ang lungsod. Sa kasamaang palad, para sa kanilang lahat, isang sumpa ang kanilang aksidenteng mapapakawalan dahilan upang muling bumalik mula sa hukay si Imhotep (Arnold Vosloo) kasama ang sampung salot na siyang sisira sa Egypt.

Bilang isang pelikula na mula sa 90's ay mayroon na itong disenteng special effects na siyang tutulong sa aksyong ng palabas. Ang setting at ang costume ng mga karakter ang talagang bumida dito. Ito ang nagbigay ganda at kulay sa buong pelikula. May saya namang maidudulot ang kuwento ng The Mummy kahit na medyo average lang ang naging takbo nito at madaling makalimutan pagdating ng araw. 

May pagka-OA kung minsan ang humor ng palabas ngunit nakakatuwa paring sundan ang naging adventure ng mga bida. Hindi ako gaanong nagka-interes sa love angle sa pagitan nila Fraser at Weisz kahit na guwapo at maganda ang dalawa at mayroon silang screen chemistry. Siguro'y hindi lang talaga bagay ang personalidad ng mga karakter nila na parehong palaban. 

Masayang panoorin ang pelikula bilang pamatay ng oras o kung hindi kaya'y kapag ikaw ay nabuburyo. Mayroon itong nakakatuwang kuwento na saka mo lang maa-appreciate kung hindi mo ito gaanong seseryosohin.


No comments:

Post a Comment