Poster courtesy of IMP Awards © Warner Bros. |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Gerard Butler, Jim Sturgess
Genre: Action, Sci-Fi, Thriller
Runtime: 1 hour, 49 minutes
Director: Dean Devlin
Writer: Dean Devlin, Paul Guyot
Production: Warner Bros., Electric Entertainment, RatPac-Dune Entertainment, Skydance Media, Stereo D, Twisted Media
Country: USA
Sa unti-unting pagkasira ng mundo dahil sa climate change ay isang solusyon ang naimbento ni Jack Lawson (Gerard Butler), ang Dutch Boy na kayang kontrolin ang mga kalamidad na nabubuo sa buong mundo. Ngunit dahil sa hindi awtorisadong pagpapatakbo ni Jack sa naturang Dutch Boy ay tinanggal siya sa pamumuno at ipinalit dito ang kaniyang kapatid na si Max Lawson (Jim Sturgess).
Tatlong taon ang lumipas ay nagkaroon ng palya ang Dutch Boy at nagsimula itong magbigay ng mga malalakas na sakuna sa iba't-ibang panig ng mundo. Sinikap ni Max ang tulong ni Jack na bumalik sa kalawakan upang muling pamahalaan ang Dutch Boy at siyasatin kung ano ang mali dito. Dito mapagtatanto ni Jack at Max na wala sa Dutch Boy ang mali kundi sa mga namamahala nito mismo.
Ang tanging nagustuhan ko lang sa palabas ay ang maayos nitong effects. Ang ibang aspeto nito, kung hindi nagkulang ay madaling makalimutan. May disente itong istorya na hinaluan ng pulitika. Sakto lang ang drama at humor nito upang kunin ang atensyon ng isang manonood ngunit wala itong gaanong sipa sa puso. Sa totoo lang, habang tumatagal ay mas naihahalintulad ko ang palabas sa Armageddon (1998) na ang setting ay ginanap din sa outer space kung saan ang climax ay iikot sa kung sino ang kailangang magsakripisyo, ang buhay ng bida o ang buhay ng buong sanlibutan.
Maayos ang naging pagganap ni Butler sa kaniyang role ngunit wala siyang kabigha-bighaning naipakita upang maalala siya ng manonood. Sa kabilang banda, kinulang naman sa galing si Sturgess upang magampanan ng maayos ang kaniyang karakter. Minsan ay nakaka-distract din ang kaniyang mga mata na kinulang ng emosyon at hindi mo mawari kung dahil naka suot ba siya ng contact lense o hindi. Hindi tuloy gumana ang binuong sibling rivalry sa pagitan ng dalawa kaya naging nakakairita pa ito kaysa sa nakakaaya.

No comments:
Post a Comment