Poster courtesy of IMP Awards © Wide Eye Films |
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Michael Legge, Allen Leech
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 29 minutes
Director: David Gleeson
Writer: David Gleeson
Production: Wide Eye Films, Peter Stockhaus Filmproduktion, Grosvenor Park Productions
Country: Ireland, Germany, United Kingdom
Bagong lipat sa isang apartment ang civil servant na si Shane Butler (Michael Legge) nang una nitong makilala ang kaniyang roommate na si Vincent Cusack (Allen Leech), isang bading na fashion student. Maituturing na boring at old school ang buhay ni Shane sa kabilang banda naman ay kabaliktaran nito ang ugali ni Vincent na wild at outgoing.
Nang makilala ni Shane ang kaibigan ni Vincent na si Gemma (Amy Shiels) ay sinubukan nitong magbago nang malamang hindi interesado ang dalaga sa kaniya dahil sa kaniyang istilo at pananamit. Pinasok ni Shane ang mundo ng droga hanggang sa tuluyan nang nagbago ang kaniyang buhay. Naging maangas siya at astig hanggang sa unti-unti nang nawala ang dating Shane na unang nakilala ni Vincent.
Hindi appealing ang production value ng Cowboys & Angels pero nakakapukaw interes ang naging kuwento nito na pagsamahin sa iisang bubong ang isang straight na lalaki at isang bading. Makikita dito ang magkaibang buhay ng dalawa ngunit sa kabila nito ay magkakaroon parin sila ng maayos na ugnayan.
Maganda rin ang naging subplot nito tungkol sa droga at kung papaano ito sumira ng buhay. Gayon din ang kuwento ng kaibigan ni Shane sa civil service na mag-iiwan ng mensaheng huwag palampasin ang mga pagkakataon at habang maaari ay gawin at sundin ang iyong ninanais bago mahuli ang lahat.
Hindi ako na-impress sa fashion na ipinakita ng pelikula, gayon din ang karakter ni Leech na bagamat maayos naman ang portrayal ay nagkulang sa characterization. Maganda ang rehistro ni Legge on screen at disente naman ang ipinakita nitong pag-arte gayunpaman ay mediocre lang sa kabuuan ang ipinamalas na husay ng buong cast.
No comments:
Post a Comment