Genre: Comedy, Drama
Runtime: 101 minutes
Director: John Wells
Writer: Steven Knight, Michael Kalesniko (story)
Production: 3 Arts Entertainment, Double Feature Films
Country: USA
Sa pagnanais na maibalik ang dating sigla ng kaniyang karera bilang chef, mula sa matinding pagkalulong sa droga at pagkakaroon ng iba't-ibang bisyo ay nagsimula ulit ng bagong buhay si Adam Jones (Bradley Cooper) sa London kung saan naging layunin nito ang makakuha ng panibagong Michelin star.
Sa tulong ng kaibigan niyang si Tony (Daniel Brühl) na isa na ngayong maître d'hôtel sa restaurant ng hotel na pagmamay-ari ng kaniyang ama ay pinamahalaan ni Adam ang kusina ng hotel kasama ang mga kaibigan, dating katrabaho at mga kusinerong may potensyal na isa-isa niyang hinanap upang samahan siya sa pamamalakad at pagkamit sa kaniyang pangatlong Michelin star. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi ganoon kadali lalo na't sa kabila ng paglaban ni Adam sa mga bisyong dating sumira sa kaniyang buhay ay isang suliranin pa ang hindi niya nahaharap... ang kaniyang sarili.