Genre: Adventure, Comedy, Drama
Runtime: 114 minutes
Director: Jon Favreau
Writer: Jon Favreau
Production: Aldamisa Entertainment, Kilburn Media
Country: USA
Head chef sa isang popular na restaurant, si Carl Casper (Jon Favreau) ay naghahanda para sa pagdating ng isang food critic at sikat na blogger na si Ramsey Michel (Oliver Platt) sa kanilang restaurant. Sa kabila ng pagkakaroon ng mga bagong putahe sa kanilang menu na para kay Ramsey ay iniutos ng restaurant owner na si Riva (Dustin Hoffman) na manatili na lang sila sa dati nilang menu kung saan sumikat ang kanilang kainan. Dahil sa desisyong ito ni Riva ay nauwi sa hindi kanais-nais na review ang nakuha ni Carl mula sa manunulat na si Ramsey.
Sa galit ay aksidenteng hinamon ni Carl si Ramsey sa Twitter na muling bumalik sa kanilang restaurant upang tikman ang bagong putahe na kaniyang inahanda. Sa kasamaang-palad ay hindi ulit pumayag si Riva sa bagong menu ni Carl na siyang naging sanhi ng kaniyang pagbibitiw sa trabaho.