Poster courtesy of IMP Awards © Marvel Studios |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Paul Rudd, Michael Douglas, Corey Stoll, Evangeline Lilly
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 57 minutes
Director: Peyton Reed
Writer: Edgar Wright, Joe Cornish, Adam McKay, Paul Rudd, Stan Lee (comics), Larry Lieber (comics), Jack Kirby (comics)
Production: Marvel Studios
Country: USA
Isang bilanggo na katatapos lang lumaya sa salang pagnanakaw, si Scott Lang (Paul Rudd) ang taong sagot ngayon ng scientist na Hank Pym (Michael Douglas) para sa problemang kaniyang kinakaharap.
Taong 1989 nang madiskubre ni Pym ang tangkang pangagaya ng S.H.I.E.L.D sa kaniyang imbensyon na "Ant-Man", isang teknolohiya na kayang paliitin ang isang tao o anumang bagay. Sa paniniwalang mapanganib ang imbensyon niyang ito ay ipinangako ni Pym sa kaniyang sarili na itatago niya ito habang buhay upang makaiwas sa gulo.
Ngunit ilang taon matapos ang kaniyang pagtatago ay lumabas ang balita tungkol sa dati niyang protégé na si Darren Cross (Corey Stoll) na lumikha rin ng sariling shrinking suit at pinangalanan itong "Yellowjacket". Ang balitang ito'y siyang ikinasindak ni Pym. Ang teknolohiyang tulad nito ay hindi dapat mapunta sa kamay ng mga masasamang loob kaya kinakailangan niya ngayon itong kunin mula sa tulad ni Cross. Dito niya ngayon hiningi ang tulong ng batikang magnanakaw na si Lang upang tulungan siya sa kaniyang problema. Subalit upang makuha ang Yellowjacket ay kinakailangan din niyang ilabas at ipahiram ang sarili niyang shrinking suit kay Lang - ang Ant-Man.
Isang maliit na superhero, paano ito tatapat sa mga naglalakihang kalaban? Noong una'y hindi ako masyadong interesado sa pelikulang ito. Nagkaroon agad ako ng impresyon na hindi nito kasing galing nila Iron Man o ni Captain America ngunit sa kabila nito, dahil isa itong pelikula na gawang Marvel ay pinanood ko parin, at laking pagkakamali ko na nagkaroon agad ako ng negatibong impresyon sa palabas dahil sa totoo lang ay maganda ang Ant-Man. Iba ito sa inasahan ko na boring at walang bago na superhero movie.

Ang unang pumasok sa isip ko sa simula ay wala itong maipapakitang magandang action scenes dahil maliit lang naman ang bida. Nalimutan ko na ang David ay kaya palang tumalo ng isang Goliath. At ganoon ang Ant-Man, mapapamangha ka sa mga action sequence ng pelikula. Napaka-astig ng mga labanan, lalo na sa tapatan sa pagitan nila Ant-Man at ni Falcon. Magaling ang pagkaka-choreograph ng mga action scenes, hindi mo aakalaing ang isang maliit na superhero ay marami din palang ibubuga.
Kunin mo ang liksi ni Quicksilver, ang lakas ni Captain America at pagiging cool ni Iron Man at ang kalalabasan ay si Ant-Man. Kung tutuusin, isa si Ant-Man sa mga may pinaka-swabeng fight scenes na napanood ko sa buong Cinematic Universe ng Marvel. Katulad ng inaasahan sa isang pelikula na mula sa Marvel, maganda ang costumes at visual effects dito. Nakakatuwa rin pagkakaroon nito ng reference sa iba pang Marvel characters, mas nagbibigay ito ng excitement sa kung ano pa ang maaaring mangyari sa hinaharap.

Pagdating sa kuwento, hindi ito gaanong kalakas kung ikukumpara mo sa istorya ng iba pang superheroes. May mangilan-ngilang eksena na ini-asa lang ang mga kaganapan sa pagiging "swerte" ng bida na siyang magpapa-alala sa'yo na hawak lang talaga ng isang writer ang daloy ng kuwento. Sinubukan din ni Peyton Reed na magdagdag ng drama sa kaniyang palabas ngunti hindi niya ito naipakita ng maayos sa kuwento. Kinulang ng feels ang istorya ni Wasp at tila minadali ang subplot sa pagitan nila Hope at Hank, ganoon din sa pagkakaroon ng hindi maayos na ugnayan ng mag-amang Lang. Maayos naman ang humor ng pelikula, sakto lang kahit na medyo pilit ang kinalabasan ni Paul Rudd noong una. Ang humor at ang aksyon talaga ang nagdala sa pelikula, dahil dito ay naging astig at swabe ang mga eksena.
Sa pangkalahatan, pasadong-pasado na ito sa pagiging superhero movie na ikatutuwa ng mga tagahanga. Punong-puno ng malalaman na aksyon at kung kailan akala mo tapos na, kung kailan busog ka na, ay hindi mo aakalaing may kasunod pa pala.
No comments:
Post a Comment