Genre: Drama, Thriller
Runtime: 76 minutes
Director: Hèctor Hernández Vicens
Writer: Hèctor Hernández Vicens, Isaac P. Creus
Production: A Contraluz Films, Benecé Produccions, Cine de Garage,
Corte y Confección de películas, Playtime Movies, Silendum Films
Country: Spain
Sumikat sa internet dahil sa mapangahas at nakaka-intrigang kuwento. Ang The Corpse of Anna Fritz ay tungkol sa tatlong kalalakihan na pinagsamantalahan ang naiwang labi ng isang sikat at magandang aktres na si Anna Fritz.
Nagtatrabaho sa isang ospital bilang nurse, nais ipagmayabang ni Pau (Albert Carbó) sa kaniyang mga kaibigan ang kaniyang close encounter sa labi ng namayapang si Ann Fritz (Alba Ribas). Sa kagustuhang makita rin ang nakaratay na katawan ng aktres ay pinuntahan nila Ivan (Christian Valencia) at Javi (Bernat Saumell) ang kaibigan sa ospital. Dahil nagtatrabaho sa ospital ay madali lang naipasok ni Pau ang dalawa sa morge.
Pagkakita ni Ivan sa hubad na katawan ni Anna ay kinuha na nito ang pagkakataon na makatalik ang magandang dalaga sa kabila ng kawalan nito ng buhay. Sumang-ayon din sa ideyang ito si Pau ngunit si Javi na takot sa mga patay ay hindi pumayag sa immoral na plano ng kaniyang mga kaibgan.
Magsisimulang mabago ang ikot ng pelikula nang sa kalagitnaan ng pakikipagtalik ni Pau sa patay na dalaga ay biglang nabuhay si Anna. Sa hindi inaasahang pangyayari na ito ay nahaharap ngayon sa matinding suliranin ang tatlo na maaaring ikabago ng kanilang buhay. Nahati sa dalawa ang magkakaibigan sa desisyon kung papatayin ba nila si Anna para lang maitago ang krimeng ginawa nila o tutulungan ang dalaga kahit na ang kapalit nito'y pagkakakulong mula sa ginawa nilang pagkakasala.
Hindi naman sa pagiging imoral ngunit na-intriga talaga ako sa kuwento ng The Corpse of Anna Fritz. Maliban sa pagiging sikat nito sa internet ay na-curious ako dahil hindi ko alam kung papaano iikot ang kuwento nito hanggang sa mapanood ko ang trailer sa Youtube na medyo panira sa sana'y magandang twist ng pelikula.
Ang muling pagkabuhay ng patay, kung posible man itong mangyari sa totoong buhay, ang siyang iikutan ng kuwento. Ito ang magbibigay ng thrill sa mga manonood. Matapos ang rape scene sa pelikula na siyang panghatak sa mga manonood ay doon na magsisimula ang pagiging exciting nito. Magkakaroon ka na ng karakter na kakampihan, na susundan.
Simple lang ang daloy ng istorya, wala na itong paliguy-ligoy. Wala nang isiningit pa na subplots o ano pa mang character development. Diretso na ito sa habulan sa pagitan ng bida at ng kontrabida na siyang magpapanabik sa bawat manonood. May ilang kaganapan lang na masyado nang gamit para magbigay kaba sa mga manonood katulad ng credit card kuno na naiwan at kailangang balikan pero gumana parin naman ang trick na ito kahit papaano.
Isa itong simpleng pelikula na hindi na kinakailangang gamitan ng utak. Magandang panoorin kapag naghahanap ng pelikulang may kapana-panabik na mga tagpo, straight to the point at may simpleng kuwento pero makapagbibigay parin ng adrenaline rush sa bawat manonood.

No comments:
Post a Comment