7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Mandy Moore, Shane West
Genre: Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 41 minutes
Director: Adam Shankman
Writers: Karen Janszen, Nicholas Sparks (novel)
Production: Warner Brothers, Pandora Cinema, DiNovi Pictures, Gaylord Films
Production: Warner Brothers, Pandora Cinema, DiNovi Pictures, Gaylord Films
Country: USA
Nagsimula ang lahat sa isang simpleng kalokohan na nauwi sa aksidente, si Landon Carter (Shane West) na isang estudyanteng easy-go-lucky at wala pang seryosong plano sa buhay ay nahaharap ngayon sa expulsion at maiiwasan lang niya ito kapag magagawa niya ng maayos ang mga parusa na ipinataw sa kaniya: ang community service at pagsali sa darating na school play. Dahil sa mga parusang ito ay nakilala niya si Jamie Sullivan (Mandy Moore), isang anak ng pastor na maraming positibong pananaw sa buhay sa kabila ng pagiging mapag-isa niya sa kanilang paaralan at malapit sa mga bully.
Dahil isa siya sa napili bilang bida sa kanilang school play ay nagpatulong si Landon kay Jamie, na kasamahan din niya sa play, sa kaniyang mga linya. Tinulungan naman siya ng dalaga at sa unang pagkakataon ay nakilala ni Landon ang totoong Jamie matapos ang pagiging magkaklase nila mula kinder hanggang senior year na walang pansinan. Unti-unting nagkamabutihan ang dalawa at mula sa pagiging bad boy ay nagsimulang maiba ang pamumuhay ni Landon. Umiwas siya sa mga dati niyang kaibigan at ibinigay ang buong oras kasama si Jamie, nagseryoso siya sa pag-aaral at nagsimulang magkaroon ng pangarap sa buhay. Ngunit kung kailan unti-unti nang naisasaayos ni Landon ang lahat sa tamang lugar ay saka naman darating ang isang balitang hindi niya inaasahan mula kay Jamie.
Ang pelikulang ito ay base sa libro ni Nicholas Sparks at kapag si Sparks na ang pinag-uusapan ay talagang isang vibe lang ang naibibigay ng pangalan nito: malungkot na kuwentong pag-ibig. Unang tingin mo pa lang kay Jamie ay makikita mo na kung saan patungo ang pelikula ngunit sa kabila no'n, katulad ni Landon ay hindi mo talaga maiiwasang mahalin ang karakter niya. Maayos ang pagkaka-kuwento ng kanilang istorya at sa pag-ibig nila Jamie at Landon lang ito nakatuon. Maganda ang character development ni Landon mula sa pagiging bad boy hanggang sa naging maalagang boyfriend, sa kabilang banda, nakulangan ako sa karakter ni Jamie na halos naging one-dimensional na. Gayunpaman, mahusay ang pagganap nila West at Moore sa mga bida ng pelikula, may chemistry sila kaya nakaya nilang dalhin ito kahit na sa kanilang dalawa lang naka-sentro ang buong kuwento.
Isa pang maganda sa A Walk to Remember ay ang mga kantang ginamit dito bilang soundtrack. Sa sobrang lakas ng impact ng mga kanta ay sigurado akong tuwing maririnig mo ito sa radyo o kung saan man ay ang kuwento nila Jamie at Landon ang agad na maaalala mo. Magbibigay ito ng kirot at sa parehong pagkakataon ay kilig na dulot ng nasabing pelikula.
Mas nangibabaw man ang pighati sa kuwento ay maayos namang naiparating ng pelikula ang isang magandang mensahe na bawat isa sa atin ay may pagkakataon paring magbago at lumiko patungo sa tamang direksyon kung sakali mang tayo ay nakaharap sa maling daan.
Mas nangibabaw man ang pighati sa kuwento ay maayos namang naiparating ng pelikula ang isang magandang mensahe na bawat isa sa atin ay may pagkakataon paring magbago at lumiko patungo sa tamang direksyon kung sakali mang tayo ay nakaharap sa maling daan.
© Warner Brothers, Pandora Cinema, DiNovi Pictures, Gaylord Films
No comments:
Post a Comment