Search a Movie

Sunday, April 29, 2018

The Greatest Showman (2017)

Poster courtesy of IMP Awards
© 20th Century Fox
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Hugh Jackman, Zac Efron, Michelle Williams, Zendaya
Genre: Biography, Drama, Musical
Runtime: 1 hour, 45 minutes

Director: Michael Gracey
Writer: Jenny Bicks, Bill Condon
Production: Chernin Entertainment, TSG Entertainment, 20th Century Fox
Country: USA


Pinagkaitan man ng yaman ay puno naman ng ambisyon sa buhay ang batang si P. T. Barnum (Hugh Jackman) lalo na nang makadaupang-palad nito si Charity Hallett (Michelle Williams) mula sa isang mayamang pamilya kung saan nagta-trabaho ang kaniyang ama bilang isang sastre. Agad nahulog ang loob ni Barnum kay Charity at sa kabila ng pagputol ng ama ni Charity sa kanilang pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan ay matapang paring hiningi ng binata ang kamay ng kanilang dalaga nang sila'y tumanda.

Hindi man marangya ang kanilang naging buhay mag-asawa ay puno naman ng saya ang pamilya nila lalo ng nang mabiyayaan sila ng dalawang supling. Dito na sinimulan ni Barnum na sungkitin ang kaniyang mga pangarap. Sinubukan nitong pasukin ang pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagtayo ng isang wax museum ngunit hindi ito kinagat ng mga tao. Hanggang sa maisipan nitong gumawa ng isang kakaibang show kung saan bibida ang mga hindi pangkaraniwang mga tao. Mga taong malayo sa normal na imbis na pahalagahan ang natatagong talento ay pangmamata ang kanilang natatanggap.

Nagkaroon ako ng interes sa naturang pelikula dahil sa mga unique nitong mga karakter kaya naman laking dismaya ang aking naramdaman nang hindi sila nabigyan ng sariling kuwento sa palabas bagkus ay umikot lang ang istorya sa bida nitong si Barnum na hindi nakapagtataka dahil ito ay biography ng kaniyang buhay. Katulad ng kanilang trabaho ay ginamit lang sila for the show, para mag-entertain. Ni hindi sila binigyan ng background story at characterization na maganda sanang premise lalo na't ang pagtanggap sa tao anuman ang kanilang hitsura ang isa sa mga mensaheng nais iparating ng pelikula.

Cliche na na maituturing ang naging kuwento ni Barnum dahil ilang beses na itong ginawang ng bersiyon sa pelikula. Kuwento ng isang taong nangarap, naging matagumpay, lumaki ang ulo, nakalimot at sa huli ay nakatanggap ng karma. Ang naging saving grace na lang ng pelikula ay ang maganda nitong production, nakaka-antig na mga kanta na masarap ulit-ulitin sa iyong playlist at ang magandang aral na nais nitong iparating.


No comments:

Post a Comment