Poster courtesy of IMP Awards © Paramount Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Tom Cruise, Cobie Smulders, Danika Yarosh
Genre: Action, Adventure
Runtime: 1 hour, 58 minutes
Director: Edward Zwick
Writer: Richard Wenk, Edward Zwick, Marshall Herskovitz, Lee Child
Production: Paramount Pictures, Skydance Media, Huahua Media, S&C Pictures Shanghai Film Group, TC Productions
Country: USA
Dahil sa pagsagip sa na-frame up na kaibigang si Major Susan Turner (Cobie Smulders) ay isa na ngayong pugante si Jack Reacher (Tom Cruise). Upang malinis ang pangalan ay kinakailangan nito ngayong isiwalat ang katotohanan sa likod ng isang government conspiracy kasabay nito ay ang pagbubukas sa kuwento ng nakaraan ni Reacher.
Katulad ng naunang pelikula ay ang pagsagip parin sa isang na-set up na kakilala iikot ang istorya ni Reacher. Ang kaibahan nga lang ay mas malakas at magaling ngayon ang kalaban nito at bukod doon ay mayroong mga karagdagang bida na maglalagay ng kakaibang timpla sa pelikula.
Hindi ako nasiyahan sa mga aksyong ipinakita ng palabas. Kung sa naunang pelikula ay tila kinakatakutan si Reacher, dito ay nagmukha lang siyang normal na action star. May galing pa naman itong ipinakita sa pakikipagbakbakan subalit wala nang kakaiba rito na aabangan ng manonood bagkus ay hihintayin mo na lang na matapos ang suntukan para umusad na ang kuwento. Hindi rin ikinaganda ng palabas ang pagdagdag ng dalawang kasama si Reacher sa paglutas sa kaniyang problema. Nagbibigay lang sila ng anxiety sa mga manonood dahil anumang oras ay maaari silang gamitin laban kay Reacher.
Parehong recipe ang ginamit dito sa Jack Reacher: Never Go Back na dinagdagan lang ng ilang sangkap. Gayunpaman ay nawalan na ito ng misteryo at ang kakaibang excitement na dulot ng naunang palabas ay hindi na muling naulit pa. Nagmukha na lang itong generic na action movie na pagkatapos ng ilang taon ay tuluyan nang malilimutan ng mga manonood.
No comments:
Post a Comment