Poster courtesy of IMP Awards © Paramount Pictures |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Tom Cruise, Rosamund Pike
Genre: Action, Crime, Mystery
Runtime: 2 hours, 10 minutes
Director: Christopher McQuarrie
Writer: Christopher McQuarrie, Lee Child (novel)
Production: Paramount Pictures, Skydance Media, Mutual Film Company, TC Productions
Country: USA
Limang inosenteng sibilyan ang namatay sa PNC Park nang isang sniper ang walang habas na namaril sa naturang lugar. Sa pag-iimbestiga ni Detective Emerson (David Oyelowo), sa dating US Army sniper na si James Barr (Joseph Sikora) napunta ang sisi nang sa kaniya mismo nakaturo ang mga nakalap na ebidensya.
Hindi man umamin sa kasalanan ay hiningi ni Barr ang tulong ng isang taong nagngangalang Jack Reacher (Tom Cruise), dating U.S. Army Military Police Corps officer, na sa ngayon ay nakatago sa ilalim ng radar. Nang mabalitaan ni Reacher ang tungkol kay Barr ay hindi ito nagdalawang-isip na magpakita at tulungan ang dating kakilala lalo na nang mapagtanto nitong naframe-up lang si Barr sa isang malalim na murder scene.
Cool ang unang deskripsyon na masasabi ko sa palabas. Dahil ito sa bida na si Jack Reacher. Very charismatic ang ginawa sa karakter nito. Magaling sa labanan, matalino at kahali-halina. Siya yung tipo ng knight in shining armor na kahit anong mangyari ay kaya ka niyang iligtas. Maganda ang chemistry nila ni Rosamund Pike na siyang babalanse sa tila pagiging omnipotent ng karakter ni Cruise.
Pagdating sa kuwento, madali ka lang mahu-hook dito dahil sa pagkakaroon nito ng interesanteng plot line. Ang ikinaganda nito ay nagkaroon ng background story ang mga inosenteng pinatay sa simula ng pelikula at bukod doon ay mas malalim pang kuwento na nakatago rito. Ang kulang lang na hinahanap ko sa pelikula ay ang history sa pagitan nila Reacher at Helen Rodin na binigyang buhay ni Pike, kung papaano sila nagkakilala at nagkaroon ng nakaraan.
Overall, ang Jack Reacher ay may matalinong storyline, maangas na bida, magaling na kontrabida at maaksyong adventure. In short ay mayroon itong maayos na entertainment na hindi ka madidismaya.

No comments:
Post a Comment