Poster courtesy of IMP Awards © Screen Gems |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Paul Bettany, Lucas Black
Genre: Action, Fantasy, Horror, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 40 minutes
Director: Scott Stewart
Writer: Peter Schink, Scott Stewart
Production: Bold Films, Screen Gems
Country: USA
Sa punto kung saan ay bumigay na ang Panginoon sa paniniwalang mayroon pang natitirang kabutihan sa mga tao ay inutusan nito ang mga anghel upang tuluyan nang sirain ang sangkatauhan. Subalit hindi pumabor dito ang Archangel na si Michael (Paul Bettany) kaya siya bumaba sa lupa at inalis ang sariling mga pakpak upang tulungan ang mga tao sa nagbabadyang katapusan.
Tinungo nito ang lugar kung saan naroroon ang buntis na si Charlie (Adrianne Palicki), sa isang kainan, kasama ang iba pang estranghero. Pinaniniwalaan ni Michael na ang ipinagbubuntis ng dalaga ang napiling maging tagapagligtas na siyang magbabago sa mundo. Dito na nila magsisimulang makasagupaan ang ilang elementong ipinadala upang tapusin ang sanlibutan.
Maganda sana ang kuwento ng pelikula subalit nakulangan ako sa characterization. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ang ipinagbubuntis ni Charlie ang piniling tagapagligtas at kung bakit si Charlie mismo ang nagdadala nito. Mayroon bang espesyal sa dalaga? Paano na ang iba pang buntis? Hindi ko alam ang sagot dahil kulang sa background ang mga bida.
Nakapagbigay ng nakakatakot na pakiramdam ang kaalamang ang mga bida ay na-trap sa isang kainan na pinapalibutan ng mga masasamang nilalang. Dito na sana lalabas ang thrill at action sa pelikula pero hindi nila ito nagamit ng maayos upang maiparamdam sa mga manonood ang mga emosyong ito. Kulang sa aksyon, kulang sa panakot dahil ang corny ng mga kaganapan lalung-lalo na sa naging climax ng palabas.
Hindi rin kagalingan ang mga aktor na nagsiganapan dito. Gayun din na hindi nakakamangha ang mga special effects. Halatang low-budgeted at hindi na masyadong binigyan ng effort story-wise at cinematography-wise.

No comments:
Post a Comment