Poster courtesy of Rappler © Globe Studios |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Gabbi Garcia, Khalil Ramos
Genre: Drama, Music, Musical, Romance
Runtime: 1 hour, 44 minutes
Director: Jade Castro
Writer: Emmanuel Dela Cruz, Jessie Lasaten, Nikki Del Carmen, Siege Ledesma, Jade Castro
Production: Film Development Council of the Philippines, Globe Studios
Country: Philippines
Isang aspiring musician si Sarah (Gabbi Garcia) na pansamantalang isinantabi ang pangarap upang mapagtapos ang pag-aaral ng kaniyang kapatid. Sa daan ay makikilala nito si Zack (Khalil Ramos) na katulad ni Sarah ay mahilig din sa musika lalo na sa mga kanta ng Ben&Ben. Magkakagaanan sila ng loob ngunit magiging mailap sa kanila ang tadhana.
Sa kabilang banda, mula sa isang broken family si Zack na matagal nang gustong makatagpo ang nawalay na ama. Kasabay nito ay suliranin din para sa kaniya ang pagtatapat ng kaniyang nararamdaman sa kaniyang kaibigan na isang lesbiana.
Susubukang tapusin nila Sarah at Zack ang kani-kanilang problema sa buhay bago nila ipagpatuloy ang naunsyaming pagkakaibigan na ilang taon ding ipinagkait ng oras at tadhana.
Real-life sweethearts sina Garcia at Ramos nang kunan ang pelikula subalit tila hindi natural ang spark sa pagitan nilang dalawa. Nandoon ang chemistry pero nahirapan silang buuin ito. Hindi ko alam kung dahil hindi rin ganoon ka-natural ang kanilang pag-arte. Hirap silang maglabas ng emosyon at ang acting lines lang ang kaya nilang bigyang buhay. Pagdating sa iyakan at matinding emosyon ay kinakailangan pa nila ng matinding practice.
Pagdatinng sa kuwento, walang nakaka-abang dito. Hindi ko ramdam ang naging tagumpay ni Sarah sa dulo dahil hindi naman naipadama ng maayos sa mga manonood ang mga naging paghihirap nito. Kumabaga, ang karakter lang niya ang nakadama nito at iniwan kang manonood sa dilim. Ganoon din ang naging problema sa karakter ni Ramos. Hindi dama ang pagka-abot nito sa kaniyang goal dahil hindi na ito ipinakita pa.
Tila ba ang mga minor plots lang ng pelikula ang ipinasilip sa madla samantalang ang malalaman na kuwento ay hindi na isinabuhay. Bland ang istorya, kung sa pagkain ay walang lasa.
Ang naging saving grace na lang ng palabas ay ang magagandang musika nito mula sa Ben&Ben na pina-arte pa kahit hindi naman marunong kaya cringey tuloy silang panoorin. Minsan sumasablay din sa pagkanta ang mga bida na nakakagulat dahil isa itong msuical movie. Bago ko tapusin ang review ay gusto lang din bigyang pansin ang magandang pagganap ni Tuesday Vargas sa kaniyang karakter na isa sa mga nagustuhan ko sa pelikula.

No comments:
Post a Comment