★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Arden Cho, Ahn Hyo-seop
Genre: Action, Animation, Fantasy, Music, Musical
Runtime: 1 hour, 35 minutes
Genre: Action, Animation, Fantasy, Music, Musical
Runtime: 1 hour, 35 minutes
Director: Maggie Kang, Chris Appelhans
Writer: Danya Jimenez, Hannah McMechan, Maggie Kang, Chris Appelhans
Production: Sony Pictures Animation
Country: USA
Isang sikat at hinahangaang KPop girl group ang HUNTR/X na binubuo ng lead vocalist na si Rumi (Arden Cho), visual at main dancer na si Mira (May Hong) at rapper at lyricist na si Zoey (Ji-young Yoo). Sa kabila ng kanilang kasikatan, isang sikreto ang kanilang itinatago — sila ay mga demon hunter na ginagamit ang kanilang musika para mapangalagaana ng mundo mula sa kasamaan.
Layunin ng grupo na makamit ang Golden Honmoon para tuluyan nang maitaboy ang mga demons sa mundo subalit mahihirapan silang gawin ito dahil sa pagsulpot ng bagong KPop boy group na Saja Boys na magiging banta sa kanilang kasikatan at misyon.
Maganda ang animation ng KPop Demon Hunters. Ibang-iba ito sa mga nakasanayan nating animated movies kung saan exaggerated ang pagkakabuo sa kanilang physical appearance. Mukhang totoong tao ang mga karakter, may natural silang kilos at itsura na lalong nagbigay ng koneksyon sa mga manonood.
Tamang-tama rin ang mga kantang ginamit sa pelikula. Masigla at nakaka-LSS kahit na medyo generic ang ilan dito. Para talaga itong tunay na K-pop songs na hindi mo agad makakalimutan. Malaking bagay ito para madala ang manonood sa mundo ng mga bida at isa rin ito sa mga nagbigay kulay sa palabas.
Maganda ang twist na inilatag para sa pangunahing bida. Hindi ko ito inaasahan at ito ang naging dahilan kung bakit magiging invested ka sa kuwento nito. Nakakatuwang panoorin ang tambalan nina Rumi at Jinu (Ahn Hyo-seop) dahil malakas ang chemistry sila. May dala silang kilig na katulad ng mga love team na napapanood sa mga Koreanovela. Ang naging problema ko lang, medyo nabitin ako sa kuwento nilang dalawa dahil kakaunti lang ang eksena nila. Hindi nabigyan ng pagkakataon ang tambalan nila para mag-shine dahil hindi ito ang focus ng palabas.
Kung may kulang man sa pelikula, ito ay sa ibang kasapi ng grupo. Sina Mira, Zoey, at Celine ay halos hindi nabigyan ng background. Sayang, kasi mukhang may mga kwento rin silang puwedeng ipakita. Bukod pa rito, ang kontrabida ay wala masyadong naidulot na thrill o conflict. Mabilis lang siyang natalo at hindi man lang nakapagbigay ng matinding laban o nagkaroon ng eksenang tatatak talaga.
Korean na Korean ang dating ng pelikula — mula sa pananamit, itsura, galaw ng mga karakter at kabuuang estilo nito. Kung mahilig ka sa mga Korean songs, movies at series, para sa'yo ang palabas na 'to.
© Sony Pictures Animation
No comments:
Post a Comment