Search a Movie

Friday, December 15, 2017

Bloody Crayons (2017)

Poster courtesy of Click the City
© Star Cinema
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Janella Salvador, Elmo Magalona, Jane Oineza
Genre: Horror, Thriller 
Runtime: 1 hour, 49 minutes

Director: Topel Lee
Writer: Carmel Josine Jacomille, RJ Panahon, Justine Reyes de Jesus, Kenneth Lim Dagatan, John Paul Abellera, Josh Argonza (novel)
Production: Star Cinema
Country: Philippines


Siyam na magkakaklase ang nagpunta sa isang isla para gumawa ng isang film project. Naging maganda naman ang pagsasama ng mga ito sa naturang lugar hanggang sa magsimula silang maglaro ng "Bloody Crayons" kung saan isa-isang nagkalabasan ang kaniya-kaniyang issues at problema ng bawat isa. Nagkaroon ng tampuhan at awayan ang magkakaibigan hanggang sa biglang isa sa kanila ang bawian ng buhay matapos malason. 'Di naglaon ay isa-isa nang pinapatay ang bawat miyembro ng kanilang barkada.

Bago pa man sila mabiktima ng salarin ay susubukang tumakas Eunice Nicolas (Janella Salvador) mula sa rest house na kanilang tinitirahan kasama si Kiko Rivera (Elmo Magalona) ang tanging taong kaniyang pinagkakatiwalaan. Kasabay nito ay ang kaniyang paghahanap sa taong nasa likod ng mga pagpaslang.

Mahirap sabayan ang banong pag-arte ng mga artistang nasa palabas. Bawat karakter ay ginawang one-dimensional at stereotypical. Masyado silang naging trying hard na magpa-cool at magpa-sexy ngunit ni isa sa kanila ay walang cool at sexy. Bukod sa walang kalatuy-latoy na mga karakter ay ang corny din ng dialogue dito na pawang sigawan o hindi kaya'y mga gamit na gamit nang mga linya na wala namang naitulong sa pag-usad ng kuwento.

Ang nakakuha lang siguro ng atensyon ko sa palabas ay ang paglalaro nila ng bloody crayons dahil sa pelikula ay ito lang ang bago. At pati na rin siguro si Empoy na siyang nagdala sa buong grupo. Walang thrill ang naging patayan dahil sila-sila lang din naman ang gumawa sa ilan dito at hindi ang mismong killer na by the way ay predictable na dahil sa billing. 

Mabuti na lang at nakabawi si Topel Lee sa bandang climax nito kung saan nagkaroon ng habulan sa pagitan ng killer at ng bida na nabawasan din agad dahil naisingit parin nila ang teenage drama. Maraming loopholes na babagabag sa'yo habang nanonood ka na hindi mo na pag-aaksayahan ng oras na tanungin pa dahil hindi rin naman ito worth it. 


No comments:

Post a Comment