Search a Movie

Thursday, December 21, 2017

The Shallows (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Columbia Pictures
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Blake Lively
Genre: Thriller
Runtime: 1 hour, 26 minutes

Director: Jaume Collet-Serra
Writer: Anthony Jaswinski
Production: Columbia Pictures, Weimaraner Republic Pictures, Ombra Films
Country: USA


Matapos mamatay ang ina ay muling binalikan ni Nancy Adams (Blake Lively) ang liblib na dagat mula sa Mexico, ang lugar na palaging binibisita noong ipinagbubuntis siya ng kaniyang ina. Dahil malayo sa kabihasnan ay wala masyadong tao sa naturang dagat. Kasama ang dalawang lokal na kalalakihan ay maghapong nakipagsabayan sa matataas na alon si Nancy gamit ang kaniyang surf board. Ngunit nang mapag-isa at iwan ng mga kasama ay naharap si Nancy sa isang delubyo nang ma-trap ito sa gitna ng dagat dahil sa isang nakakamatay na pating.

Una sa lahat, mamamangha ka sa cinematography ng palabas. Napaka-artistic ng bawat shots ng dagat at nagamit ng direktor ang ganda nito sa kabila ng morbid nitong istorya. Mag-isa sa isang banyagang lugar, trapped sa gitna ng dagat kasama ang isang pating. Ilan lang ito sa mga nakakatakot na senaryo na pinagsama-sama para sa palabas. Simple lang ang kuwento ng The Shallows ngunit makapagbibigay ito ng ibayong takot at thrill sa bawat manonood.

Dito ay mararamdaman mo ang takot, tensyon at maging ang sakit at paranoia na nararamdaman ng karakter. Realistic at kapani-paniwala naman ang naging kuwento nito sa simula ngunit nang umabot sa dulo, upang makagawa ng magandang climax, ay kinailangan nang baliin ang realidad para sa sa isang maaksyon na katapusan.

Hindi na kailangan ng marami pang karakter o hindi kaya'y matatalinong diyalogo. Maayos na pag-arte, musical scoring na akma sa genre, pating at magandang cinematography lang ang kailangan ay sapat na upang makagawa ng isang entertaining na palabas. 


No comments:

Post a Comment