Search a Movie

Monday, December 4, 2017

The Bride and the Lover (2013)

Poster courtesy of TFC at the Movies
© Regal Films
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Paulo Avelino
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 45 minutes

Director: Joel Lamangan
Writer: Rody Vera
Production: Regal Films
Country: Philippines


Dahil sa tukso at pagkakamali, hindi natuloy ang sana'y magiging kasal ni Vivian Paredes (Lovi Poe) kay Philip Albino (Paulo Avelino) matapos nitong ibunyag sa mismong araw ng kanilang kasal ang nangyari sa pagitan ng kaniyang fiance at ng matalik nitong kaibigan na si Shiela Montes (Jennylyn Mercado).

Ilang buwan ang lumipas, sinubukang makipag-ayos ni Vivian kay Shiela sa pamamagitan ng pagkontrata sa magazine company nito para ipromote ang kaniyang sariling kumpanya. Ang hindi alam ni Shiela ay may pansariling balak si Vivian upang masira ang namuong relasyon sa pagitan ng kaniyang kaibigan at ni Philip.

Isang kuwento tungkol sa mga nangaliwa. Hindi na bago ang ganitong tema sa Philippine cinema ngunit ang ipinagkaiba ng The Bride and the Lover sa mga normal na kabitan ay ginawa itong comedy at binigyang pansin din ang istorya ng pagkakaibigan. Gayunpaman ay wala namang gaanong nakakamangha sa naging kuwento nito.

Ang nagpaganda sa pelikula ay ang galing ng tatlong bida. Inangkin ni Poe ang palabas, nagampanan niya ng magaling ang kaniyang karakter at talagang siya ang tumatak dito. Hindi rin naman nagpahuli si Mercado ngunit medyo halatang hindi siya sanay sa murahan at awayan na parte ng kaniyang karakter. May pagkakataon namang poker face lang ang ipinapakita ni Avelino subalit sa mga heavy scenes ay hindi naman siya nagpatalo.

Simple lang ang istorya ngunit maganda ang batuhan ng mga linya. Maraming mga quotable quotes at nakakatuwa ang plastikan at awayan ng mga bida. Maganda ito bilang pampalipas oras o para sa mga naghahanap ng kaunting pagkakatuwaan.


No comments:

Post a Comment