Poster courtesy of IMP Awards © Fox 2000 Pictures |
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Taraji P. Henson, Octavia Spencer, Janelle Monáe
Genre: Biography, Drama, History
Runtime: 2 hours, 7 minutes
Director: Theodore Melfi
Writer: Allison Schroeder, Theodore Melfi, Margot Lee Shetterly (book)
Production: Levantine Films, Chernin Entertainment, Fox 2000 Pictures
Country: USA
Taong 1961 kung kailan talamak pa ang racism sa bansang Amerika ay hindi nagpahuli ang tatlong African-American na kababaihan sa pagtulong na gumawa ng kasaysayan sa NASA. Si Katherine Goble (Taraji P. Henson), isang mathematician at ang dalawa nitong kaibigan na sina Dorothy Vaughan (Octavia Spencer), supervisor, at Mary Jackson (Janelle Monáe) na isang engineer ay ang tumulong at nagsilbing utak sa likod ng matagumpay na pag-ikot ng astronaut na si John Glenn (Glen Powell) sa kalawakan. Ito'y kasabay ng pangmamata sa kanila ng mga puting amerikano na ang turing sa kanila'y mga taong tila may malubhang karamdaman na kailangang iwasan.
Dahil ibinase ito sa tunay na buhay ay hindi ko lubos maisip na ganoon pala kagrabe ang naging trato ng mga tao sa tulad ng mga bidang african-american, nakakainit ng ulo at nakakasira ng araw. Mabuti na lang at magaling at nakakapagbigay ng inspirasyon ang kuwento ng tatlong bida sa palabas. Napakagaling ng performance na ipinakita nila Henson at Spencer. Nakakadala at tataasan ka talaga ng balahibo sa pag-arteng kanilang ipinamalas. Si Monáe naman ang umako sa humor ng pelikula.
Ang hindi ko lang nagustuhan dito ay ang love story na isiningit sa palabas. Wala akong naramdaman na kilig dito dahil una ay mas nakatutok ako sa struggles ng tatlong bida at kung papaano nila ito nilabanan. Pangalawa ay wala akong nakitang chemistry sa love story ng dalawa at pangatlo ay hindi talaga ako interesado dito. Mabuti na lang at nakabawi sila sa climax na nakapagbigay ng thrill kahit papaano. Hindi man ako african-american ay nakaka-proud parin itong panoorin at tunay na makapagbibigay ng inspirasyon sa buhay.
Hindi naman talaga sya nakadedicate para pakiligin ang audience, pero convincing naman yung acting ng couples!
ReplyDeletenice g
Deletewala kaming pake sa opinion mo hehe
Delete