Search a Movie

Saturday, July 29, 2017

Moana (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Walt Disney Pictures
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Auli'i Cravalho, Dwayne Johnson
Genre: Adventure, Animation, Comedy, Musical
Runtime: 1 hour, 47 minutes

Director: Ron Clements, John Musker
Writer: Jared Bush, Ron Clements (story), John Musker (story), Chris Williams (story), Don Hall (story), Pamela Ribon (story), Aaron Kandell (story), Jordan Kandell (story)
Production: Walt Disney Animation Studios, Walt Disney Pictures
Country: USA


Magmula nang nakawin mula kay Te Fiti, ang dyosa ng isla, ang isang pounamu stone na nagsisilbi nitong puso ay hindi na naging maganda ang turing ng dagat sa mga mamamayan nito.

Ilang taon ang lumipas na ganito ang naging pamumuhay ng mga nananahan sa isla. Ngunit ang lahat ng ito ay nakatakdang magbago sa pagdating ni Moana (Auli'i Cravalho), ang kaisa-isang anak ng lider ng Motunui. Si Moana ang napili ng dagat na siyang magsauli sa puso ni Te Fiti upang manumbalik na sa dati ang lahat. Ngunit hindi pabor dito ang kaniyang amang si Tui (Temuera Morrison) na umaasa na sana'y ang anak ang papalit sa kaniyang iiwanang puwesto katulad ng nakaugalian ng kanilang angkan. 

Sa paglala ng problemang kinakaharap ng kanilang isla ay wala nang ibang maisip si Moana na solusyon dito kundi sundin ang nais ng dagat. Sa tulong ng demigod na si Maui (Dwayne Johnson) na siyang dahilan ng lahat ay susuungin ng dalawa ang bangis ng karagatan maibalik lamang ang puso ng karagatan kay Te Fiti.

Cute at kaaya-aya ang animation ng Moana. Refreshing sa mata dahil sa paggamit nito ng mga kulay na kumakatawan sa kalikasan. Maganda rin ang soundtrack ng pelikula, nandoon parin ang pagiging magical nito tuwing napapakinggan, mapapa-indak ka at pagagandahin nito ang mood ng bawat makakarinig ng mga kantang ginamit dito.

Pagdating sa kuwento, maihahalintulad ko ang naging adventure nila Moana at Maui sa naging adventure ni Kubo sa Kubo and the Two Strings (2016), may mangilan-ngilang pagkakapareho ang tinahak na istorya ng dalawang palabas. Ang kaibahan nga lang ay mas makulit si Moana, at mas may puso ang kuwento nito kahit na minsan ay mabu-buwisit ka kay Maui. 

Maraming epic moments ang Moana na talaga ikaka-enjoy ng mga nanonood bata man o matanda. Katulad ng mga nagdaang Disney movies ay makukuha parin nito ang pulso ng madla dahil sa magandang visuals nito na hinaluan pa ng mga kantang masarap sabayan. Bukod dito ay may istorya itong papatawanin ka, may kaunting kirot sa puso, at ang pinakamahalaga sa lahat ay may aral itong dulot sa manonood.


No comments:

Post a Comment