Poster courtesy of IMP Awards © Myriad Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Shirley MacLaine, Amanda Seyfried
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 1 hour, 48 minutes
Director: Mark Pellington
Writer: Stuart Ross Fink
Production: Franklin Street, Myriad Pictures, Parkside Pictures, Wondros
Country: USA
Isang bagay lang ang nais ng businesswoman na si Harriett Lauler (Shirley MacLaine) bago siya pumanaw — ang magkaroon ng isang obitwaryo na totoo at walang halong kasinungalingan. Kaya naman habang nabubuhay pa ito ay nagpagawa na siya ng sariling obitwaryo kay Anne Sherman (Amanda Seyfried), manunulat mula sa isang lokal na pahayagan, upang ito'y kaniyang matutukan.
Para kay Anne, madali lang ang magsulat ng obitwaryo dahil ito na ang kaniyang naging trabaho na nakuha niya sa pagkahilig nitong magsulat. Ang problema, lahat ng taong nakakakilala kay Harriett ay pawang walang magandang masabi para sa matanda maliban na lang kung sila'y magsisinungaling. Dahil sa buong buhay nito, si Harriett ay nakilala bilang isang istriktong boss, control freak at pranka. Kaya naman maging ang dating asawa at anak nito ay hindi magawang magbigay ng magagandang salita para sa kaniya.
Upang magkaroon ng kanais-nais na obitwaryo ay gagawa ngayon ng hakbang si Harriett upang baguhin ang pagtingin sa kaniya ng mga tao sa tulong na rin ni Anne at ng batang si Brenda (AnnJewel Lee Dixon). Sa kanilang pagsasamang tatlo ay mapagtatanto ni Harriett ang kahalagahan ng pagkakaibigan sa pagkakaroon ng masayang buhay.
Maganda sana ang naging konsepto ng pelikula kung hindi lang sila nag-iba ng ruta mula sa nais nilang ipakita. Naging mabagal ang pacing ng bawat tagpo hanggang sa mawawalan ka na ng interes sa mga nagaganap. Masyado nilang pinahaba ang premise ng kuwento at naglagay ng mga bagay na maaari namang hindi na isama sa ikot ng istorya. Mula sa pagkakaroon ng astig na simula ay nauwi ang palabas sa pagiging madrama.
Magagaling ang dalawang aktres na bida nito, madadala ka sa husay ng pag-arte nila MacLaine at Seyfried na parehong magbibigay ng ngiti at luha sa iyong mukha. May mga pagkakataon lang na mala-Emma Stone ang ibinigay na pag-arte ni Seyfried sa kaniyang role na ayos lang sana kung hindi ito nakaka-distract minsan sa mga eksena.
Hindi man naipahayag ng maayos ng palabas ang kuwento dahil sa pagsusubok nitong maging misteryoso ay naging malinaw naman ang mensahe na nais nitong iparating: na hindi man natin mababago ang ating ugali ay may mga pagkakataon pa tayong ayusin ang mga nagawa nating mali. At hangga't may oras, kinakailangang lubusin ang mga natitirang araw natin sa mundo at sundin kung ano ang makapagpapasaya sa atin.

No comments:
Post a Comment