Poster courtesy of IMP Awards © 3311 Productions |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Anna Kendrick, June Squibb, Craig Robinson, Lisa Kudrow, Stephen Merchant, Tony Revolori
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 1 hour, 27 minutes
Director: Jeffrey Blitz
Writer: Jeffrey Blitz, Jay Duplass (story), Mark Duplass (story)
Production: 3311 Productions, 21 Laps Entertainment, Story Ink
Country: USA
Table 19, sa kasal, dito nakaupo ang mga "da who". Ang mga taong pupunta man sa kasal o hindi ay walang may paki-alam. Sila ang mga taong inimbita lang dahil kailangan ngunit inaasahang hindi naman dadalo. Kumabaga sa eskwelahan, sila ang mga nasa loser's table.
Kasama sa lamesang ito si Eloise McGarry (Anna Kendrick), dating maid-of-honor ng ikakasal ngunit na-demote dalawang buwan bago ang kasalan dahil bigla siyang hiniwalayan ng kaniyang ex-boyfriend na si Teddy (Wyatt Russell), ang kapatid ng bride at ang best man sa kasal. Isa siya sa mga gumawa ng mga seating arrangement kung saan ang mga taong natapat sa table 19 ay sina Jo Flanagan (June Squibb), ang nagsilbing yaya ng bride noong ito'y bata pa. Ang mag-asawang Jerry (Craig Robinson) at Bina Kepp (Lisa Kudrow), na nagmamay-ari ng isang kainan at malayong kaibigan ng ama ng groom. Si Renzo Eckberg (Tony Revolori) ang binatilyong walang kinalaman sa mga ikakasal maliban na lang sa magulang nito na kaibigan din ng mga magulang nila. At ang huli ay si Walter Thimble (Stephen Merchant), isang malayong pinsan na kasalukuyang nasa parole.
Sa lamesang ito magsisimula ang panibagong pagkakaibigan na mabubuo mula sa kaniya-kaniyang istorya ngunit pare-parehong estado ng mga bida
Awkward at cringey ang pagpapatawa na ginamit sa palabas. Minsan pasok ang humor nito ngunit halos lahat ng mga eksena ay mapapangiwi ka na lang sa hiya. Ngunit kahit ganoon pa man ay masaya at nakaka-aliw panoorin ang mga karakter sa palabas. Mamahalin mo sila bilang isang grupo dahil sa makukulit nilang antics at mahahabag ka naman sa kaniya-kaniyang kuwento ng mga bida. Ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat ay ang kuwento ng mag-asawang Jerry at Bina, hindi ko inasahan ang naging takbo ng istorya nilang dalawa at nagulat ako sa pinatunguhan nitong direksyon
Nakakadismaya naman ang background story na ibinigay sa bida nitong si Eloise na tila hindi pa malinaw sa mga writers nito kung ano ang gusto nilang kalabasan ng kaniyang relasyon kasama si Teddy. Ginawa nilang douche ang karakter ni Teddy kaya mahirap pumabor sa kanilang love story at madidismaya ka na lang sa kanilang naging ending.
Mabuti na lang at nagustuhan ko ang naging konklusyon ng palabas, medyo may kirot sa dibdib. Bagamat hindi na binigyan ng gaanong atensyon ay kinakailangan mo itong basahin sa pagitan ng mga linya upang makuha mo ang nais nilang iparating sa dulo kung hindi man ay 'di mo ikalulugod ang naging tagpo nito.

No comments:
Post a Comment