Search a Movie

Friday, December 8, 2023

Seven Sundays (2017)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Ronaldo Valdez, Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil
Genre: Drama, Family
Runtime: 2 hours, 8 minutes

Director: Cathy Garcia-Molina
Writer: Roumella Monge, Kiko Abrillo, John Raphael Gonzaga, Vanessa R. Valdez (story)
Production: ABS-CBN Film Productions, Inc.
Country: Philippines


Simula noong mamatay ang kaniyang asawa ay nagsimula na ring magkawatak-watak ang pamilya ni Manuel Bonifacio (Ronaldo Valdez) lalo na noong nagkaroon ng sari-sariling buhay ang kaniyang mga anak. Naiwan siyang mag-isa at malungkot. Ang malala pa nito ay isang masamang balita ang kinakaharap niya ngayon - may taning na ang buhay niya. Kaya bago tuluyang pumanaw at samahan ang kaniyang asawa sa kabilang buhay, nais ni Manuel na makapiling ang kaniyang mga anak sa nalalabing pitong linggo hanggang sa sumapit ang taning na ipinataw sa kaniya. Pero paano niya gagawin ito kung maging ang mga anak niya ay may kaniya-kaniya ring problema sa buhay?

Karaniwan, iisa lang ang formula ng mga family drama rito sa Pilipinas at hindi exemption ang Seven Sundays dito. Ganoon pa man, maganda ang pagkakalapat ng bawat kuwento ng mga karakter sa palabas. Lahat sila ay may lalim at pinanghuhugutan. Lahat sila ay may sariling lakas at kahinaan. Ito ang maganda sa palabas dahil relatable ang bawat karakter.

Magaling din ang bawat artistang bumida rito lalung-lalo na si Aga Muhlach at Dingdong Dantes. Damang-dama mo ang ipinaglalaban ng mga karakter nila at lahat ng problemang kinakaharap nila ay valid at totoo. Isa pa sa hinangaan ko sa palabas na ito ay si Ketchup Eusebio na bagamat side character lang ay maganda ang ipinakita niyang pag-arte rito lalo na sa pagbibigay ng emosyon kahit na wala siyang gaanong dialogue.

Simple lang ang kuwento ng Seven Sundays at predictable na ang kalalabasan nito pero mananatili ka dahil maganda ang batuhan ng mga linya sa pelikula. May puso ang kuwento at nabigyan nito ng maayos na katapusan ang isang makabuluhang istorya na tiyak kapupulutan ng aral ng bawat pamilyang Pilipino.


© ABS-CBN Film Productions, Inc.

No comments:

Post a Comment