★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Sandra Bullock, Channing Tatum
Genre: Action, Adventure, Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 52 minutes
Director: Adam Nee, Aaron Nee
Writer: Oren Uziel, Dana Fox, Adam Nee, Aaron Nee, Seth Gordon (story)
Production: Fortis Films, 3dot Productions, Exhibit A
Country: USA
Matapos mamatay ang kaniyang asawa ay tila ba wala nang gana pa ang adventure-romance novelist na si Loretta Sage (Sandra Bullock) na magpatuloy sa buhay. Sa katunayan ay ayaw na sana nitong ipagpatuloy ang sikat niyang adventure book series kung saan nakilala ang cover model nitong si Alan Caprison (Channing Tatum).
Sa kalagitnaan ng kaniyang book tour ay kinidnap si Loretta ng bilyonaryong si Abigail Fairfax (Daniel Radcliffe) upang hanapin ang isang kayamanan mula sa "Lost City" na galing mismo sa librong isinulat nito. Pero bago pa man ito mangyari ay to the rescue agad si Alan upang iligtas si Loretta at para na rin humingi ng tawad dahil sa mga masasamang nasabi nito mula sa naturang writer.
Isang masayang romantic-adventure ang The Lost City. Nakakatuwa itong panoorin dahil kumpletos rekados na ito. Mayroon itong maayos na storyline, magandang humor at cute na chemistry sa pagitan ng dalawang bida na hinaluan ng aksyon. Swak na swak ang comedic timing nila Bullock at Tatum na siyang nagpaganda sa kanilang paglalakbay para mahanap ang The Lost City. Maayos din na ginampanan ni Radcliffe ang pagiging kontrabida nito na isa sa mga bumuhay ng kuwento.
Hindi masyadong malalim ang istorya ng The Lost City pero nagustuhan ko naman ang paglalahad ng kuwento nito. Ang mahalaga ay may depth ang mga karakter dito. Hindi sila one-dimensional at mayroon silang kaniya-kaniyang hugot sa buhay. Isa sa mga nagustuhan kong eksena ay ang confrontation nila Loretta at Alan dahil naipakita rito na hindi lang stereotypical si Alan na katulad ng impression sa kaniya ni Loretta.
Ang naging problema ko lang sa pelikulang ito ay ang continuity ng mga eksena at ang mga lugar sa palabas. Para bang kung saan-saan na lang sila lumulusot at lumalabas katulad ng eksena sa kuweba. Pati ang biglang pagsulpot ng sibilisasyon ay parang napaka-random. Sa kabila nito, enjoy pa rin namang panoorin ang pelikula kasama ang pamilya.
© Fortis Films, 3dot Productions, Exhibit A
No comments:
Post a Comment