Search a Movie

Tuesday, December 5, 2023

Shazam! Fury of the Gods (2023)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Zachary Levi, Asher Angel
Genre: Action, Comedy, Fantasy
Runtime: 2 hours, 10 minutes

Director: David F. Sandberg
Writer: Henry Gayden, Chris Morgan
Production: New Line Cinema, DC Studios, The Safran Company
Country: USA


Matapos ang mga pangyayari sa naunang pelikula, pilit binabalanse ngayon ng magkakapatid ang kanilang bagong buhay bilang teenager at bilang mga tagapagligtas. Subalit masusubok ulit ang kanilang pagkakaisa sa pagdating ng tatlong anak ni Atlas sa mundo ng mga tao upang bawiin ang kapangyarihan ng kanilang ama na ninakaw mula sa kanilang pamilya.

Una sa lahat, maliban sa dragon ay hindi gaanong impressive ang CGI ng palabas. Masyado lang kasing mataas ang expectation ko rito lalo na't mula ito sa isang franchise na pagmamay-ari ng isang kumpanya na kaya namang magbigay ng matinong visual effects. Parang pinaglaruan lang kasi ang mga effects nito sa ilang parte ng pelikula.

Pangalawa, kung ano ang mga bagay na hindi ko nagustuhan sa unang palabas ay 'yun pa rin ang mga bagay na hindi ko nagustuhan dito. Parang hindi sila dumaan sa character development. Back to zero ang mga personalidad ng mga bida at ang malala ay ikinahon sila sa stereotypical na karakter. Mapapansin mo rin dito ang malaking kaibahan ng mga batang nagsiganapan kumpara sa mga superhero counterparts nila. Para bang mgkaibang tao ang sumulat sa younger at older version ng bawat isa dahil hindi tugma ang mga isinasabuhay nilang karakter. Mas mature panoorin ang mga bata sa palabas kumpara kapag nagiging matatanda na sila. Masyadong ginawang isip-bata ang mga superhero rito. Kung tutuusin ay hindi na dapat dahil teenager na ang ilan sa kanila  at nasa matinong pag-iisip na dapat sila.

Sobrang cringe ng mga dialogue at sobrang kalat ng mga kaganapan. Napaka-unsatisfying ng ilang eksena dahil imbis na seryosohin mo ay pilit silang nagpapatawa sa mga oras na hindi naman dapat kaya na sobrang hirap i-enjoy ang panonood nito. Maging si Zachary Levi na nagsutuhan ko sa unang palabas ay hindi rin pumasa sa pagkakataong ito. Nasobrahan ang bawat tagpo sa puntong mapapaisip ka na lang kung sineryoso ba talag ito ng mga taong nasa likod ng pelikula o dinodogshow lang nilaa ng gawa nila. Para itong dad joke na lipas na ang humor pero ipinipilit pa rin sa makabagong henerasyon.

Dalawang oras ang pelikula pero ang kabuuang kuwento nito ay puwede nang ipakita sa loob ng isa't kalahating oras lang. Ang iba rito ay mga eksenang hindi naman nakakatawa at puro exposition dialogue na nagpapatunay lang sa katamaran ng mga taong nasa likod nito. Kung sakali mang bigyan pa nila ito ng pangatlong pelikula, sana nama'y gawin nilang mas seryoso ang palabas para seryosohin din sila ng mga manonood.


© New Line Cinema, DC Studios, The Safran Company

No comments:

Post a Comment