★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Jennifer Lawrence, Andrew Barth Feldman
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 43 minutes
Director: Gene Stupnitsky
Writer: Gene Stupnitsky, John Phillips
Production: Columbia Pictures, Saks Picture Company, Odenkirk Provissiero Entertainment, Excellent Cadaver
Country: USA
Dahil sa hirap ng buhay, malapit nang mawala kay Maddie Barker (Jennifer Lawrence) ang kaisa-isa niyang kayamanan - ang bahay na ipinamana sa kaniya ng kaniyang ina. Para mabayaran ang patung-patong nitong utang ay isang kakaibang trabaho ang pinasok ni Maddie kung saan ay kinakailangan niyang akitin ang disinuebe anyos na si Percy Becker (Andrew Barth Feldman) para lumabas ito mula sa comfort zone niya bago niya pasukin ang magulong mundo ng kolehiyo.
Sa summary pa lang na ginawa ko ay automatic nang papasok sa isipan ng bawat isa kung anong klase ng ending ang kalalabasan ng pelikulang ito. Ganoon ka-predictable ang No Hard Feelings. Hindi na nakakagulat dahil lahat naman ng rom-com films ay talagang predictable na dahil iisang formula lang ang sinusunod nila. Nagkakaiba na lang ito sa kung papaano dadalhin ng mga bida ang palabas - kung may chemistry ba sila o kaya nilang magbigay ng kilig sa mga manonood.
Para sa akin, nahirapan akong hanapan ng chemistry ang dalawang bida dahil na rin sa age-gap nila. Hindi naman kaso sa 'kin ang May-December affair pero sa pagkakataong ito, hindi bumagay ang tandem nila Lawrence at Feldman. Katulad ng tagline ng pelikula, awkward ang naging chemistry nila at kung 'yun man ang plano nila sa simula pa lang ay na-execute naman nila ito ng maayos.
Ang nagustuhan ko sa palabas ay magaling ang dalawang bida. Kitang-kita ang contrast sa personalidad nila Maddie at Percy. Madali na lang para kay Lawrence ang karakter niya dahil malapit naman ang ugali ng ginagampanan niya sa totoong buhay. Pero nagulat ako dahil mas naging daring siya sa palabas na ito sa puntong literal na ipinakita na niya lahat ng asset niya rito. Hindi naman nagpalamon si Feldman dahil nakasabay din naman siya kay Lawrence sa pagkakaroon ng maayos na pagsasabuhay kay Percy.
Magaling ang mga bida kahit na kinulang sila sa kilig. Okay din naman ang kuwento pero hindi na ito bago. Puwede itong panoorin kapag gusto mong mag-chill o magpalipas ng oras.
© Columbia Pictures, Saks Picture Company, Odenkirk Provissiero Entertainment, Excellent Cadaver
No comments:
Post a Comment