★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Fiona Palomo, Milo Manheim
Genre: Adventure, Family, Musical
Runtime: 1 hour, 39 minutes
Director: Adam Anders
Writer: Adam Anders, Peter Barsocchini
Production: Affirm Films, Monarch Media
Country: USA
The greatest story ever told ang bansag sa kuwento ng kapanganakan ni Jesus Christ at dito iikot ang kuwento ng Journey to Bethlehem. Isa itong live-action retelling ng love story nila Mary (Fiona Palomo) at Joseph (Milo Manheim) at kung papaano sila napili bilang mga magulang ni Jesus.
Nakakatuwa na sa palabas na ito ay nabigyan ng personalidad sina Mary at Joseph na karaniwang kilala lang bilang ina at tumayong ama ng Panginoong Hesukristo. Sa loob ng isa't kalahating oras ay naipakita nila ang pagmamahalan nila sa isa't isa, ang kanilang sakrpisyo at ang tibay ng pananampalataya nila. Maliban sa kanila, nabigyan din ng mukha ang tatlong hari na sina Melchor (Omid Djalili), Balthazar (Geno Segers) at Gaspar (Rizwan Manji). Sila ang nagsilbing comic relief ng pelikula at masasabi kong nabigyan naman nila ito ng hustisya.
Ang maganda sa palabas na ito ay ala romantic film na hinaluan ng adventure ang nagin atake nito para na rin maging katanggap-tanggap sa mga manonood na hindi relihyoso. Hindi ito preachy kaya puwede ito sa lahat. Nasabi kong romantic dahil bagay na bagay sina Mary at Joseph, visually ay napakalakas ng appeal ng mga bidang sina Palomo at Manheim.
Kahit na maliit lang ang budget para sa pelikulang ito ay hindi naman sila nagkulang pagdating sa costume at set design. Maganda ang mga damitan sa palabas, makulay at umayon ito sa tema. Pasado rin ang visual effects at wala akong reklamo rito.
Ginawa rin itong musical na bago para sa aking panlasa. Sa tingin ko, ang music aspect nito ang manghahatak sa atensyon ng mga bata lalo na't madali lang silang ma-bore sa live action. Speaking of musical, maganda ang mga kantang ginawa para sa mga eksena. Bagay ito sa makabagong panahon kahit na makaluma ang setting nito. Para bang naging modern ang approach ng pelikula dahil dito. Ginawan din ng bagong version at sariling twist ang ilang kanta na matagal na nating naririnig.
Napaka-meaningful ng pelikulang ito lalo na kapag pinanood mo sa Kapaskuhan. Maganda itong gamitin para ipaliwanag sa mga bata kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko. Ipapaalala nito sa iyo ang tunay na diwa ng Pasko at kung ano ba dapat ang priority natin sa kaganapang ito.
© Affirm Films, Monarch Media
No comments:
Post a Comment