Search a Movie

Monday, April 10, 2017

Hacksaw Ridge (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Cross Creek Pictures
9 stars of 10
★★★★★★★ ☆

Starring: Andrew Garfield, Vince Vaughn, Sam Worthington
Genre: Biography, Drama, History
Runtime: 2 hours, 19 minutes

Director: Mel Gibson
Writer: Robert Schenkkan, Andrew Knight
Production: Cross Creek Pictures, IM Global, Icon Productions, Pandemonium, Permut Presentations, Windy Hill Pictures, Vendian Entertainment, Kilburn Media
Country: USA, Australia


"Thou shalt not kill", ito ang pinanghahawakang paniniwala ni Desmond Doss (Andrew Garfield) simula nang bata pa ito matapos nitong aksidenteng muntik mapatay ang kaniyang nakakabatang kapatid. Kaya naman nang magpalista si Doss sa army sa kalagitnaan ng World War II ay sumali ito upang maging combat medic, hindi hahawak ng baril at hindi papatay ng tao kundi tutulong siya sa pagliligtas ng mga sugatang niyang ka-tropa.

Ang paniniwalang ito ni Doss ang naging dahilan kung bakit siya naging outcast habang nagti-training sa kabila ng pagiging maliksi nito sa bawat pagsasanay nila. Maging ang kaniyang komander na sina Sergeant Howell (Vince Vaughn) at Captain Glover (Sam Worthington) ay nagsubok na tanggalin ang binata sa listahan dahil lang sa hindi nito paghawak ng baril.

Nang sumapit na ang oras upang humarap si Doss at ng kaniyang mga kasamahan sa digmaan laban sa mga Hapon ay dito papatunayan ni Doss ang kahalagahan ng kaniyang tungkulin. Ang inakala nilang duwag na pinagtawanan at minaltrato ay siya palang magliligtas ng napakaraming buhay.

Unang-una sa lahat, napakaganda ng visuals ng pelikula. Very dark, gory at intense ang mga kaganapan ngunit nailabas parin ni Mel Gibson ang ganda sa bawat mabibigat na eksena. Mas mai-enjoy mo ang panonood ng palabas dahil detalyado ang bawat pangyayari. Bukod rito ay magagaling rin ang cast ng pinili para sa palabas. Nakakabilib ang pag-arteng ipinalamas ni Garfield dito maliban na lang sa medyo off na accent nito at ang serious face ni Vaughn na mahirap seryosohin dahil nasanay na ako sa kaniya sa larangan ng komedya.

Pangalawa, nakapagbibigay inspirasyon ang naging kuwento ng pelikula. Bibigyan ka nito ng lakas ng loob upang ipaglaban kung ano ang iyong paniniwala. Habang nanonood ay ilalabas nito ang iyong tapang at adrenaline rush na maging ikaw na nanonood ay tila gusto mo na ring makipagbakbakan. Subalit sa sobrang intense ng mga kaganapan ay makakadama ka rin ng takot para sa mga bida, parang bata na gusto mong magtago upang hindi tamaan ng bala.

Ito ang pelikulang mula sa production, kuwento at pagganap ng mga artista ay hindi ka madidismaya sa halip ay bibigyan ka pa nito ng inspirasyon sa buhay na tumulong at maging bayani sa iyong sariling pamamaraan.


No comments:

Post a Comment