Search a Movie

Friday, December 8, 2023

Your Place or Mine (2023)

5 stars of 10
★★★★★ ☆
☆☆☆

Starring: Reese Witherspoon, Ashton Kutcher
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 49 minutes

Director: Aline Brosh McKenna
Writer: Aline Brosh McKenna
Production: Aggregate Films, Lean Machine, Hello Sunshine
Country: USA


Nagsimula sa isang one night stand ang relasyon nila Debbie Dunn (Reese Witherspoon) at Peter Coleman (Ashton Kutcher) pero hindi nag-work ang unang tagpo nilang 'yon kaya ang inaasahang romantic relationship ng dalawa ay nauwi sa platonic friendship.

Dalawang dekada ang lumipas, may sarili nang anak na si Debbie at dumaan na rin siya sa isang divorce. Sa kabilang banda, nanatili namang single si Peter dahil takot ito sa commitment. Noong isang accountancy program ang kinailangang tapusin ni Debbie sa New York ay nag-volunteer si Peter na siya muna ang magbantay at mag-alaga sa anak nito sa California. Sa loob ng isang linggo ay nagpalit sila ng tirahan at doon na nila mas nakilala ang isa't isa.

Interesting ang kuwento ng Your Place of Mine, hindi na bago pero nakakawili pa rin namang panoorin. Maganda ang chemistry nila Kutcher at Witherspoon at malinaw ang pagkakalapat ng karakter ng bawat isa. Para siyang rom-com movie na ginawa for TV katulad ng mga Hallmark films na puwede nang pamatay ng oras kapag bored ka.

Maayos naman ang naging flow ng istorya sa simula, nagbigay sila ng maraming conflicts na dahilan para ma-hook ang mga tao. 'Yun nga lang, ang conflict na ito ay hindi nabigyan ng maayos na resolusyon. Sa buong pelikula, slowly at surely ang naging storytelling nito pero pagdating sa dulo bigla na lang nilang minadali ang lahat. Sobrang bilis ng mga pangyayari sa puntong tapos na 'yung pelikula pero hindi mo pa ramdam 'yung satisfaction na inaasahan mo. Sa sobrang haba kasi ng pagtatanim nila ng mga conflicts, wala pang isang minuto ay nasolusyunan na agad ito ng mga bida kaya parang nawalan din ng saysay ang 80% ng palabas.

Para kang naghintay ng isang pagkaing niluto ng napakahabang oras pero hindi naman pala ito masarap. Mabuti na lang at maganda ang pagkakasulat nila sa mga side characters na para sa akin ay siyang naging highlight ng pelikula.


© Aggregate Films, Lean Machine, Hello Sunshine

No comments:

Post a Comment