Poster courtesy of The Guardian © Ringling College of Art Design |
★★★★★★★★★ ☆
Starring: Nicholas J. Ainsworth, Kelly Donohue
Genre: Animation, Romance, Short
Runtime: 4 minutes
Director: Esteban Bravo, Beth David
Writer: Esteban Bravo, Beth David
Production: Ringling College of Art Design
Country: USA
Sa napakaikling oras ay isang napakagandang mensahe ang naibigay ng In a Heartbeat. Tumutukoy ito sa isang relevant issue na siguradong madaming makaka-relate lalo na dito sa Pilipinas kung saan ang pag-iibigan ng magkaparehong kasarian ay hindi parin tanggap ng nakakarami. Ang pelikula ay tungkol sa isang binatang lihim na umiibig sa kapwa niya binata sa isang paaralan. Ngunit dahil sa takot nitong mahusgahan ng iba ay sinubukan niya itong itago ngunit hindi na nagawa pa nang maki-alam na ang kaniyang puso.
Una sa lahat ay mabibighani ka sa ganda ng animation nito. Aakitin ka din sa pamamagitan ng isang makulit at nakaka-goodvibes na musical scoring. Hanggang sa makasabay ka na sa ikot ng istorya. Simple lang ang kuwento ngunit malalim ang hugot at tagos ito sa puso.
Bagamat ang bawat tagpo ay ginawang nakakatawa para sa manonood ay punong-puno naman ito ng malalalim na kahulugan na kung bibigyan mo ng oras upang analisahin ay madadama mo ang mga hirap na kinakaharap ng mga taong nasa parehong sitwasyon ng dalawang bida. Tila ba ang bawat eskena ay isang malaking metaphor na maikukumpara mo sa tunay na buhay.
Wala mang lamang dialogue ang palabas ay buong-buo at malinaw naman ang mga mensahe nitong nais iparating: na ang puso ay mahirap diktahan at hindi mapipigilan, at kailanman ay hindi mo kailangan ang pagsang-ayon ng mga taong nasa paligid mo sa kung sino man ang nais mong ibigin. Isang mensahe na hindi lamang para sa mga LGBTQ kundi sa lahat ng taong nagmamahalan.

No comments:
Post a Comment