Search a Movie

Wednesday, August 30, 2017

Fantastic Beasts and Where to Find Them (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Warner Bros.
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Eddie Redmayne, Dan Fogler, Katherine Waterston
Genre: Adventure, Family, Fantasy
Runtime: 2 hours, 13 minutes

Director: David Yates
Writer: J. K. Rowling
Production: Heyday Films, Warner Bros.
Country: United Kingdom, USA


Taong 1926 nang makarating sa New York ang magizoologist na si Newt Scamander (Eddie Redmayne) upang imbestigahan ang diumano'y isang beast na sumasalakay sa naturang lugar. Dito ay makikilala niya si Tina Goldstein (Katherine Waterston), isang Auror mula sa Ministry of Magic na huhuli sa kaniya dahil sa pagiging unregistered wizard nito. Kasabay nito ay makakadaupang-palad ni Newt ang isang no-maj na si Jacob Kowalski (Dan Fogler) na aksidente nitong makakapalitan ng suitcase.

Ang dalang suitcase ni Newt ay naglalaman ng sari-saring magical beasts na kaniyang nahuli at inaalagaan. Nang mapasakamay ito ni Jacob ay aksidente nitong mapapalaya ang ilang beasts na laman nito. Bago pa man sila makapaminsala sa lugar ay kinakailangan ngayong hanapin ni Newt ang kaniyang mga alaga sa tulong ni Jacob habang kaniyang binibigyang kasagutan ang naunang halimaw na siyang nauna niyang pakay.

May kaunting resemblance ang naturang pelikula sa palabas na Goosebumps (2015) kung saan kinakailangan nilang hulihin ang mga nakatakas hayop/halimaw. Ang konseptong  ito lang naman ang ipinagkapareho ng dalawa ngunit pagdating sa tunay na kuwento ay magkaiba na sila. 

Sa simula ay tila mahirap pang makuha ng mga karakter ang kiliti ko. Kumbaga ay hindi sila lovable para mag-invest ka sa kanila emotionally. Ngunit sa pag-usad ng kanilang istorya at sa naging adventures nila, sa tulong na rin ng humor na dala ng mga karakter ay mapapamahal ka din kina Newt, Jacob, Tina lalo na kay Queenie Goldstein (Alison Sudol). 

Hindi nagpahuli ang palabas sa pagkakaroon ng maganda at nakakamanghang visuals. Ang mga beasts ay talaga namang fantastic. Kaaya-aya ang kani-kanilang katangian na siyang nagpapatunay sa malawak na imahinasyon ni J.K. Rowling. Ang maganda dito, kahit spin-off/prequel ito ng Harry Potter ay hindi naging dependent ang kuwento nito sa franchise. May ilang familiar spells na karaniwan na nating naririnig sa Harry Potter series at may ilang pangalan din tayong maririnig dito mula sa henerasyon ni Harry ngunit nagkaroon parin ang Fantastic Beasts and Where to Find Them ng sariling pagkakakilanlan.


No comments:

Post a Comment