Poster courtesy of IMP Awards © Huayi Brothers Media |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Douglas Smith, Lucien Laviscount, Cressida Bonas
Genre: Horror, Thriller
Runtime: 1 hour, 37 minutes
Director: Stacy Title
Writer: Jonathan Penner, Robert Damon Schneck (book)
Production: Huayi Brothers Media, Intrepid Pictures, Los Angeles Media Fund (LAMF)
Country: USA
Huwag babanggitin ang kaniyang pangalan. Ito ang tanging paraan upang makaiwas sa nilalang na tinatawag na The Bye Bye Man na pumapaslang ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit sa mga natatagong kasamaan ng isang personal. Ganito ang nangyari sa magkakaibigang Elliot (Douglas Smith), John (Lucien Laviscount) at Sasha (Cressida Bonas) na napailalim sa panganib na dulot ng The Bye Bye Man.
Sa isang abandonadong apartment kung saan lumipat ang tatlo makikilala nila ang pangalang The Bye Bye, dito magsisimula ang isang trahedyang ikakamatay ng ilang taong makakarinig ng pangalan nito. Ngunit bago pa man sila tuluyang mapasakamay sa galamay ng naturang nilalang ay gagawin ni Elliot ang lahat mahanap lang ang pinagmula nito, ito'y habang kaniyang kinakaharap ang sariling takot na dulot ng The Bye Bye Man, bago mahuli ang lahat.
May pagka-Babadook (2014) ang premise ng The Bye Bye Man ngunit napakagulo ng pagkukuwento nila sa pelikula. Nasa kalagitnaan ka na ng palabas ngunit wala paring inusad ang kuwento nito. Hindi ko rin mawari kung anong klaseng kalaban ang nais nilang buuin, kung isa bang halimaw, multo, entity o psychological. Nakaka-frustrate tuloy na panoorin ang mga pangyayari lalo na't hindi man lang nila ipinaliwanag kung ano ang purpose ng The Bye Bye Man.
Mas lalala pa ang frustration ng manonood dahil sa napakasamang pag-arte ng mga bida at sa hindi kagandahang pagkakasulat ng mga writers sa mga karakter nila. Idagdag mo pa ang special effects na halatang low-budgeted. Maganda sana ang konsepto ng palabas kung nabigyan lang ito ng mas maayos na kuwento at mga bidang marunong magbigay ng tamang emosyon at idamay na rin natin ang budget.

No comments:
Post a Comment