Search a Movie

Sunday, August 27, 2017

Miss You Already (2015)

Poster courtesy of IMP Awards
© New Sparta Films
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Toni Collette, Drew Barrymore
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 1 hour, 52 minutes

Director: Catherine Hardwicke
Writer: Morwenna Banks
Production: S Films, New Sparta Films, The Salt Company International
Country: United Kingdom


Simula pa pagkabata ay matalik nang magkaibigan sina Milly (Toni Collette) at Jess (Drew Barrymore). Ngunit sa kanilang pagtanda, magkaibang direksyon ang tinahak ng buhay ng dalawa. Nagkaroon ng pamilya at magandang career si Milly samantalang hirap naman sa pagkakaroon ng anak si Jess.

Sa pagbibiro ng tadhana, ang estado ng buhay ng dalawang magkaibigan ay biglang nagkapalit nang madiskubre ni Milly na mayroon siyang breast cancer at sa parehong pagkakataon ay naibigay naman kay Jess ang matagal na nitong hiling na mabuntis at magkaroon ng anak. 

Gayunpaman, magkasama parin ang dalawa sa pagharap ng mga problema. Ngunit hanggang kailan tatagal ang pagkakaibigang ito kung ang buhay ng isa sa kanila ay palugmok na samantalang ang isa'y papaitaas pa lamang?

Parehong maganda at magaling ang performance na ipinamalas nila Collette at Barrymore sa kanilang pelikula. Convincing ang portrayal ni Collette sa kaniyang karakter na ikakainis ng manonood at sa parehong pagkakataon ay kaaawaan. Hindi rin naman nagpaiwan si Barrymore na siyang magbibigay boses sa mararamdaman ng viewers sa mga nagaganap sa palabas.

Maganda ang kuwento ng Miss You Already na makapagbibigay ng inspirasyon sa buhay at pagpapahalaga sa ating mga kaibigang matalik. Friendship goals ang naging pagkakaibigan nila Milly at Jess at gayon din na family goals naman ang naging buhay ni Milly sa kaniyang asawang si Kit (Dominic Cooper) na nakakalugod panoorin.

Mas madarama sana ng bawat manonood ang emotional aspect ng pelikula kung nagkaroon ito ng magandang musical scoring. Doon nagkulang ang palabas, hindi buo ang pagtangkilik mo sa bawat emosyon nito dahil wala itong back-up na magandang musika lalo't iikot ang kuwento ng palabas sa isang sakit na maaaring sumira sa isang magandang samahan.


No comments:

Post a Comment