Poster courtesy of IMP Awards © 20th Century Fox |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Hugh Jackman, Dafne Keen, Patrick Stewart
Genre: Action, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 7 minutes
Director: James Mangold
Writer: Scott Frank, James Mangold, Michael Green,
Production: Donners' Company, Kinberg Genre, Marvel Entertainment, TSG Entertainment, 20th Century Fox Film Corporation
Country: USA
Tahimik nang maituturing ang buhay ni Logan (Hugh Jackman) na kilala bilang si Wolverine. Matanda na at may ilang iniindang sakit, isa itong hamak na limousine driver na siyang nag-aalaga kay Professor Charles Xavier (Patrick Stewart) kasama ang albino mutant na si Caliban (Stephen Merchant). Ngunit ang payapa nitong pamumuhay ay muling magugulo sa pagdating ni Gabriela Lopez (Elizabeth Rodriguez), dating nurse sa isang biotechnological corporation.
Ang hiling nito ay ang samahan siya at ang batang si Laura Kinney (Dafne Keen) na makarating sa isang taguan na matatagpuan sa North Dakota. Noong una'y walang interes si Logan sa pakiusap ni Gabriela ngunit napilitan siyang gawin ito nang mapaslang ang babaeng tagapangalaga ng naturang bata. Ngayon ay kinakailangan ni Logan na ihatid si Laura sa nasabing kanlungan bago pa man sila maabutan ng mga taong nasa likod ng pagpatay kay Gabriela.
Sa kabila ng pagkakaroon ng cliché na dalawang bidang 'di magkasundo sa simula at storyline na halos alam mo na kung saan papatungo ay marami parin namang ilang sorpresa na inihanda ang Logan. At kahit tapos na ang kontrata ni Jackman bilang si Logan ay nakagawa parin ng paraan ang mga writers nito na ipagpatuloy ang franchise o gumawa ulit ng panibagong karakter na hindi nalalayo sa bida. Katulad ng nakaugalian sa mga palabas na bida si Wolverine ay maaaksyon parin ang labanan dito lalo na sa mga eksenang kasama ang batang bida na si Keen.
Wala din naman ako maipintas sa portrayal ni Jackman sa kaniyang iconic na karakter dahil nabigyang hustisya naman niya ito. Naipakita niyang ang mga superhero ay tumatanda rin, nagkakasakit at humihina at ito ang mga katangiang makikita natin sa kaniyang huling pelikula. Hindi naman nagpakabog si Keen sa kaniyang pagsasabuhay kay Laura Kinney. Buhat-buhat nito ang isang misteryosong karakter na madaling mahalin kahit walang speaking lines dahil astig at palaban.
Wala namang bago o kakaiba sa naging kuwento ng Logan maliban na lang sa pagpapakilala nito sa mga bagong karakter na maaari paring gamitin sa franchise. Nandito parin ang aksyon na siyang magugustuhan ng bawat manonood ngunit storywise ay wala na silang naipakitang nakakamangha na tatatak sa sinumang manonood nito. Gayunpaman ay nag-enjoy akong panoorin ang kinahinatnan ng mga kalaban sa palabas at sobrang satisfying ang kinalabasan.

No comments:
Post a Comment