Search a Movie

Tuesday, August 8, 2017

Fences (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Paramount Pictures
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Denzel Washington, Viola Davis
Genre: Drama
Runtime: 2 hours, 19 inutes

Director: Denzel Washington
Writer: August Wilson
Production: Bron Studios, Escape Artists, MACRO, Paramount Pictures, Scott Rudin Productions
Country: USA


Simpleng taga-hakot lang ng basura si Troy Maxson (Denzel Washington) na nakatira sa isang bahay kasama ang asawang si Rose (Viola Davis) at anak na si Cory (Jovan Adepo). Sa naging hirap ng buhay nito na kaniyang dinanas simula pagkabata ay naging istriktong ama si Troy. Dahil sa ugali nito ay iba't-ibang isyu ang mabubuo mula sa kaniyang anak maging sa kaniyang mapagmahal na asawa. 

Napaka-simple lang ng kuwento ng Fences. Sa totoo lang ay wala kang kuwentong aabangan dito bagkus ay susundan mo lang ang mga pangyayari sa pamilya ng mga Maxson. Kaya naman hindi ako magtataka kung marami ang maburyo sa panonood ng palabas na ito. Magaling ang buong cast kahit na mayroong pagka-OA ang karakter ni Washington. Si Davis ang tunay na hahangaan sa palabas dahil ipapadama niya sa iyo ang bigat ng istorya. Siya yung tipong arteng walang pabebe, na kahit pumangit ang hitsura niya on screen basta maibigay lang nito ang tamang emosyon at mailabas ang galit o sakit na gustong ipamalas ng kaniyang karakter.

Ang isang factor kung kaya't nakakawala ng interes ang pelikula ay dahil puro batuhan lang ng linya ang makikita mo rito. Parang palabas sa radyo na kahit hindi mo na panoorin ay ayos lang dahil sa mga dialogue mo mapapanood ang kuwento. Minsan ay mahirap lang silang sabayan dahil sa accent ng mga bida gayunpaman ay kinulang parin ng entertainment value ang palabas. Maganda ito, malalim ang kuwento, magaling ang mga artista at maganda ang pagkakagawa ng pelikula ngunit hindi ko maikakailang nahirapan akong labanan ang boredom na naramdaman sa panonood nito.


No comments:

Post a Comment