Poster courtesy of IMP Awards © Universal Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Vin Diesel, Dwayne Johnson, Jason Statham
Genre: Action, Adventure, Crime
Runtime: 2 hours, 16 minutes
Director: F. Gary Gray
Writer: Chris Morgan
Production: Universal Pictures, China Film Co., Original Film, One Race Films, Fuji Eight Company Ltd.
Country: USA
Mula sa pagiging bida ay matitikman naman ngayong ni Dominic Toretto (Vin Diesel) ang maging kontrabida matapos siyang i-recruit ng cyberterrorist na si Cipher (Charlize Theron) sa pamamagitan ng paggamit ng hostage na malapit sa buhay ni Toretto. Dahil dito ay wala nang ibang pagpipilian pa si Toretto kung hindi ang umanib sa kalaban. Kapalit nito ay ang pagtalikod niya sa kaniyang grupo na itinuring na niyang pamilya kasama na rito ang asawang si Letty Ortiz (Michelle Rodriguez).
Nang malaman ni Letty ang biglaang pagbaliktad ni Toretto ay makikipag-kampihan siya ngayon sa mga dati na nilang nakalaban na sina Deckard Shaw (Jason Statham) at Luke Hobbs (Dwayne Johnson), sa tulong na rin ng kaniyang grupo upang mahuli ang mastermind na si Cipher at mailigtas si Toretto mula sa mga kamay nito.
Entertaining. Ito ang masasabi ko sa ika-walong franchise ng The Fast and the Furious. Makikita parin natin dito ang matitinding labanan, mga fight scenes na halos science fiction na ang dating, mga nag-aastigang sasakyan at mga cool na stunts na sa mga pelikula lang makikita at hindi para sa tunay na buhay.
Katulad ng mga naunang palabas sa franchise, dala parin ng The Fate of the Furious ang humor nito na isa sa mga nagdadala at nagbibigay buhay sa palabas. Dahil sa humor na ito kung kaya't naging lovable ang mga karakter ng palabas na sa totoo lang ay ang inabangan ko talaga sa pelikula. Ngunit pagdating sa kuwento ay wala nang bagong naipakita pa ang F8, katulad parin ito ng mga naunang palabas na kailangang may iligtas ang grupo mula sa mga kamay ng kalaban o hindi kaya'y kailangang linisin ang kanilang pangalan mula sa isang pagkakamaling sa kanila isinisi. Paulit-ulit at hindi na bago para sa mga manonood na tumutok sa buong franchise.
Ang sigurong kakaiba lang na naipakita ng pelikula ay ang pagiging likable ng mga kontrabidang dating kinasuklaman sa mga naunang pelikula. Bukod doon ay hindi na gaanong pinag-isipan ang kuwento nito. Maging ang ginawang rivalry sa pagitan ng karakter nila Johnson at Statham ay hindi man lang binigyang ng closure sa katapusan.
Kung paulit-ulit na formula parin ang gagamitin ng mga tao sa likod ng franchise ay marapat lang sigurong wakasan na ito dahil sa totoo lang ay ang mga kilalang karakter nito na lang ang kaabang-abang sa pelikula. Mahirap nang subaybayan ang kuwento nito na halos papunta na sa fantasy ang genre.

No comments:
Post a Comment