Search a Movie

Wednesday, September 13, 2017

The Boss Baby (2017)

Poster courtesy of IMP Awards
© DreamWorks Animation
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Miles Bakshi, Alec Baldwin
Genre: Animation, Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 37 minutes

Director: Tom McGrath
Writer: Michael McCullers, Marla Frazee (book)
Production: DreamWorks Animation
Country: USA


Kahit nag-iisang anak ay napakasaya parin ng buhay ng batang si Timothy Templeton (Miles Bakshi). Gamit ang malawak nitong imahinasyon ay nagagawa nitong makulay ang kaniyang pagkabata sa tulong na rin ng kaniyang magulang na kahit abala sa kanilang trabaho ay nagkakaroon parin sila ng oras para magabayan ang anak.

Ngunit sa pagdating ng isang kakaibang sanggol (Alec Baldwin) na nakasuot ng itim na suit ay biglang nagbago ang buhay ni Timothy. Ang atensyon ng kaniyang mga magulang ay biglang nabaling sa sanggol at unti-unting nalayo sa kaniya ang kaniyang ama't ina. Dahil sa selos ay susubukan ni Timothy na kunin pabalik ang atensyong nawala mula sa kaniya, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay magugulat na lang ang bata nang mapag-alaman nitong ang naturang sanggol ay nakapagsasalita pala na parang isang matanda.

Cute na kinulang sa appeal ang animation ng pelikula ngunit naging less cute ang kinalabasan nito dahil sa naging konsepto ng nagsasalitang matanda sa katauhan ng isang baby. Bukod doon ay hindi rin appealing ang ilang sexual innuendos na hindi man tahasang ipinamukha sa mga manonood ay medyo awkward paring panoorin lalo na para sa isang pambatang palabas, kung ito'y binigyan mo ng malisya.

Pagdating sa kuwento nito, madali na lang sundan kung saan mauuwi ang tila aso't pusang relasyon ng dalawang bida. Ang problema ko rito ay hindi nakakapukaw ng pansin ang naging adventure ni Timothy at ng sanggol na maging pagdating sa climax ay mabuburyo ka. Papasa siguro ang palabas para sa panlasa ng mga kabataang mahilig sa animations dahil sa kahit papaano'y makulit nitong humor ngunit para sa mga mature audience na naghahanap ng mas matinong storyline ay hindi ito aabot sa average.


No comments:

Post a Comment