Poster courtesy of IMP Awards © Universal Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Dakota Johnson, Jamie Dornan
Genre: Romance
Runtime: 1 hour, 58 minutes
Director: James Foley
Writer: Niall Leonard, E.L. James (novel)
Production: Universal Pictures
Country: USA
Matapos hiwalayan ni Anastasia Steele (Dakota Johnson) ang dating nobyong si Christian Grey (Jamie Dornan) ay itinuon na lang nito ang kaniyang atensyon sa bagong trabaho bilang assistant sa isang publishing company. Ngunit hindi doon natapos ang relasyon ng dalawa sa isa't-isa. Sinubukang isalba ni Christian ang kanilang pag-iibigan sa pangakong babaguhin na nito ang kaniyang nakasanayan.
Muling nagkabalikan ang dalawa ngunit sari-saring problema parin ang haharapin ni Ana dahil sa mga bagaheng dala ni Christian mula sa kaniyang nakaraan. Isa na rito si Leila Williams (Bella Heathcote) na dating submissive ni Christian at si Elena Lincoln (Kim Basinger) na malaki ang naitulong sa problema ng binata sa pinakamadilim na parte ng buhay nito.
Sa pagkakataong ito ay Christian na Christian na ang dating ni Dornan sa pelikula. Knight-in-Shining armor, matipuno, guwapo at bilyonaryo na sa kabila ng matikas na panlabas ay parang salamin na madaling mabasag pagdating kay Ana. Sa love story ng dalawa nag-focus ang pelikula na hindi ko naman nakitaan ng development. Maraming idinagdag na subplots upang makabuo ng conflicts ngunit sa dami nito ay hindi naman sila nabigyang ng kaniya-kaniyang moment. Walang thrill at walang kuwenta ang mga ipinasok na subplots dahil agad-agad din naman itong tinapos at binigyang solusyon.
Katulad ng naunang pelikula, punong-puno parin ito ng softcore porn na siyang nagpabagal sa pacing ng istorya. Wala naman masyadong naibahagi ang pelikula tungkol sa BDSM dahil ang mga ginawa ni Christian sa palabas ay wala sa kalingkingan ng pagiging BDSM.
Maganda ang mga pop songs na ginamit sa palabas, iyon lang ang nagustuhan ko dito maliban sa katawan ng dalawang bida. Ngunit pagdating sa kuwento, character development at maging sa ipinaglalaban ni Ana ay bagsak ang pelikula. Gayunpaman, may entertainment din naman itong dala dahil na-enjoy ko parin kahit papaano ang mala-pocketbook nitong istorya.
No comments:
Post a Comment