Poster courtesy of IMP Awards © Paramount Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Meryl Streep, Julianne Moore, Nicole Kidman
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 50 minutes
Director: Stephen Daldry
Writer: David Hare, Michael Cunningham (novel)
Production: Paramount Pictures, Miramax, Scott Rudin Productions
Country: USA, United Kingdom
"Mrs. Dalloway," ito ang librong iikutan ng kuwento ng tatlong babae mula sa magkakaibang henerasyon. Sa taong 1923 mabubuo ang naturang libro mula sa panulat ni Virginia Woolf (Nicole Kidman), isang babaeng may bipolar disorder. Ang librong ito naman ang magiging sandalan ni Laura Brown (Julianne Moore) sa taong 1951 mula sa malungkot nitong buhay may pamilya. At sa 2001, si Clarissa Vaughan (Meryl Streep) ang magsisilbing representasyon ng naturakng karakter sa nobela.
Katulad ng libro sa pelikula, tila mahirap maintindihan ang kuwento ng palabas. Mapapansin mo na may malaking problemang kinakaharap ang bawat karakter ngunit hindi ito tahasang ipinakita ng writer. Kaya naman sa buong palabas ay naging clueless ako sa mga nangyayari. Pilit mang intindihin ang bawat kaganapan ay mahihirapan ka lang dahil tatlong kuwento ang salitang mapapanood mo. Para itong isang bugtong na kapag hindi mo alam ang sagot ay kailangan mo na lang sumirit, na sa palabas ay hihintayin mo na lang itong matapos kung saan mapapagtagpi-tagpi na ang bawat isa.
Magagaling ang tatlong bida, dahil sa kanila kung bakit mararamdaman mo bilang isang manonood na kailangan mong ayusin ang panonood bagkus ay mapag-iiwanan ka sa daloy ng kuwento. Gayunpaman, sa sobrang lalim ng kuwento ay nawala na ang entertainment value nito at ang magpapaganda na lang dito ay ang twist na inihanda sa dulo.
Maganda ang naging mensahe ng The Hours na tatalakay sa issue ng suicide. Nagustuhan ko ang kaniya-kaniyang portrayal nila Kidman, Moore at Streep sa sarili nilang karakter ngunit naguluhan ako sa naging storytelling ng kanilang kuwento. Siguro'y para sa matatalino lang talaga ang naturang palabas, dahil maging si Kidman ay nahirapan pa akong hanapin kung naasaan siya sa pelikula. Magaling ang gumawa ng ng kaniyang prosthetic at isa ito sa parte ng pelikula kung saan ako napabilib.

No comments:
Post a Comment