Poster courtesy of IMP Awards © Universal Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Michael J. Fox, Christopher Lloyd
Genre: Adventure, Comedy, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 48 minutes
Director: Robert Zemeckis
Writer: Bob Gale, Robert Zemeckis (story)
Production: Universal Pictures, Amblin Entertainment, U-Drive Productions
Country: USA
Magsisimula ang ikalawang yugto ng Back to the Future sa kung saan ito natapos sa part 1. Mula sa future ay babalik sa kasalukuyan si Dr. Emmett Brown (Christopher Lloyd) upang hingiin ang tulong ni Marty McFly (Michael J. Fox) at ng kaniyang kasintahan upang isalba ang kanilang magiging anak sa hinaharap gamit ang time travel.
Nasaksihan ni Biff Tannen (Thomas F. Wilson) ang paggamit ng tatlo sa time machine kaya naman nang makarating sila sa hinaharap (2015) ay sinubukang nakawin ni Biff ang naturang time machine upang tulungan ang kaniyang nakakabatang sarili na maging milyonaryo. Ngunit kalakip ng ginawang ito ni Biff ay ang malaking pagbabago mula sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Kumpara sa naunang pelikula, napakalaki ng ibinaba nito pagdating sa kuwento, humor at sa kabuuan. Sa sobrang peke ng mga prosthetic ay nagmukha itong parody movie. Maliliit man ay marami kang makikitang plot holes dahil na rin siguro sa komplikado nitong konsepto ng time travel. Katulad ng kung paano nakabalik nsi Biff sa kasalukuyan kung napalitan na niya ang nakaraan at iba pa. Nakakairita ring makita na tila hindi ginagamit ng mga karakter ang five senses nila, parang sa mga cartoons na wala silang naririnig o napapansin kahit nasa tabi na nila ang isang tao.
Gayunpaman ay nakakamanghang isipin na ang future sa naturang palabas ay nakaraan na natin sa kasalukuyan. Nakakatuwang makita ang mga hi-tech na gadgets na nahulaan ng palabas na ginagamit na ng mga bagong henerasyon ngayon. Pagdating naman sa mga damit at hairstyles ay kita parin ang pagiging 80's nito ngunit kudos parin sa pagkakaroon nila ng malawak na imahinasyon.
Ang isa pang nagustuhan ko sa palabas ay kung paano nila ikinonekta ang kuwento ng part 1 dito sa part 2. Ito na lang ang tanging bubuhay sa franchise, kung papaano nila gagamitin ang time travel upang magbigay twist at gulatin ang mga manonood. Nakakadismaya nga lang na kinakailangan pa nilang gumamit ng cliffhanger para lang may sumubabay sa part 3. Nakakawala tuloy ng satisfaction at wala kang mararamdamang tuwa pagkatapos ng palabas.

No comments:
Post a Comment