Search a Movie

Friday, October 13, 2017

Before I Fall (2017)

Poster courtesy of IMP Awards
© Jon Shestack Productions
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Zoey Deutch, Erica Tremblay, Halston Sage
Genre: Drama, Mystery
Runtime: 1 hour, 38 minutes

Director: Ry Russo-Young
Writer: Maria Maggenti, Lauren Oliver (novel)
Production: Awesomeness Films, Jon Shestack Productions
Country: USA


Isang simpleng araw lang sana ang February 12 para sa estudyanteng si Samantha Kingston (Zoey Deutch) kasama ang mga kaibigan nitong sina Izzy Kingston (Erica Tremblay) at Lindsay Edgecombe (Halston Sage) ngunit hindi nito inaasahan na ang araw na ito na pala ang kaniyang magiging huli.

Ngunit sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay uulit-ulitin ni Samantha ang kaganapan sa araw na ito sa kaniyang buhay. Dito niya mapagtatanto ang mga bagay, tao at pangyayaring dati'y hindi niya nabigyang importansya. Kaya naman bago siya tuluyang mawala ay susubukan nitong ayusin ang buhay ng mga taong kaniyang iiwan.

Ito ang pelikulang ipapakita sa mga manonood ang kahalagahan ng bawat araw na ating tinatamasa. Hindi man bago ang naging konsepto nito ay nagkaroon naman ng maayos na istorya ang palabas. Nakuha nito ang pagkakaroon ng "millenial" na kuwento na siyang ikaka-relate ng mga kabataang siyang pangunahing target ng palabas.

Napaka-relevant ng mga paksang tinalakay sa palabas na patungkol sa bullying, depression at maging ang generation gap sa pagitan ng magulang at sa anak. Ang maganda sa pelikula ay umikot ito sa pagbibigay ng isang makabuluhang mensahe na ang bawat desisyon at galaw natin ay palaging may kapalit na maaari nating ikatuwa o ikasira ng ating buhay. 

Ang naging problema lang sa pelikula, para sa isang manonood na halos napanood na ang lahat ay wala ka nang makikitang bago sa palabas. May mga aabangan parin naman dito na ikakagulat ng manonood ngunit nagkulang ito ng thrill na siya sanang kukuha sa atensyon ng audience.  Gayunpaman, maganda ang kinalabasan ng Before I Fall, may magandang mensahe, magandang soundtrack at higit sa lahat, iiwan ka at mapapaisip sa mga naging desisyon mo sa buhay.


No comments:

Post a Comment