Poster courtesy of IMP Awards © Illumination Entertainment |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Matthew McConaughey, Reese Witherspoon, Seth MacFarlane, Scarlett Johansson, Tori Kelly, Taron Egerton
Genre: Animation, Comedy, Family, Music, Musical
Runtime: 1 hour, 48 minutes
Director: Garth Jennings
Writer: Garth Jennings
Production: Dentsu, Fuji Television Network, Illumination Entertainment, Universal Pictures
Country: USA
Sa mundo kung saan ang mga hayop ay namumuhay ng katulad sa mga tao, nagmamay-ari ng isang teatro ang koala na si Buster Moon (Matthew McConaughey) na kasalukuyang gipit sa pera. Kaya naman upang maisalba ang kaniyang negosyo ay naisipan nitong magsagawa ng isang singing contest kung saan ang mananalo ay tatangap ng $1,000 na aksidenteng naging $100,000 nang magkamali ang assistant nito sa paggawa ng fliers.
Dinumog ang naturang singing contest ni Buster Moon. Ang ilan sa mga hayop na nakapasok para sa patimpalak ay ang baboy na si Rosita (Reese Witherspoon) na iniwan ang pangarap na maging musikera kapalit ang pagkakaroon ng pamilya, ang aroganteng daga na si Mike (Seth MacFarlane), ang porcupine na si Ash (Scarlett Johansson), isang mahiyain na elepanteng si Meena (Tori Kelly) at si Johnny (Taron Egerton) ang gorilla na nangangarap maging singer ngunit tutol dito ang kaniyang ama na isang kriminal.
Sila ang maglalaban-laban para sa isang daang libong dolyar na siyang pagsisimulan ng gulong sisira sa pangarap ng mga kalahok at sa pinakamamahal na negosyo ni Buster Moon.
Kumpara sa Zootopia (2016) na nakasabayan nitong lumabas, mas kumpleto at mas marami ang naging representasyon ng Sing sa mga hayop. May ibubuga din naman ang animation nito, masarap panoorin ang makukulay na hayop maging ang kaniya-kaniyang porma ng mga ito.
Interesting din ang naging pagpili sa mga hayop na bida sa palabas, bumagay ang bawat karakter sa bawat hayop na bumida at ganon din sa sari-sariling kuwento ng bawat isa. Nakakawili ang naging takbo ng kuwento ng pelikula na makapagbibigay ng good vibes sa mga manonood, ang problema ko lang ay masyadong naging overdramatic ang climax nito. Gayunpaman, overall ay maganda ang kinalabasan ng pelikula. Magagaling ang mga voice actors at maganda at catchy ang song choices.
No comments:
Post a Comment